Kamakailan lang ay
mainit na pinag-usapan sa social media ang ‘di pagpapasakay ng isang bus sa
isang lalaki na nakasuot ng pang-Igorot. Heto at muli na namang binuhay ang
usapan ng isang nagngangalang Daisybagasala Ramoso. Sa kanyang Facebook page,
nag-post siya ng larawan na kapareho rin nang nag-viral na Igorot. Nag-komento
siya nang “Malaswa kasi tingnan kaya dapat magsoot ng tama hindi pangbondok”. Dahil dito ay uminit ang ulo ng maraming netizens na nakabasa sa naturang post.
Ayon sa mga nag-komento
sa post ni Daisy, maling-mali ang kanyang sinabi. Ang kanyang ipinapakita ay isang uri ng diskriminasyon laban sa mga Igorot. Hindi diumano malaswa
ang suot ng Manong dahil ang pagsusuot ng bahag ay parte na ng kanilang
kultura. Namana pa nila ito mula sa kanilang mga ninuno. Karaniwan na naman ang pagsusuot ng ganito ng ibang Igorot kapag sila
ay nasa kanilang lugar. Ipinapayo tuloy ng iba, na mag-aral muli ng kasaysayan
si Daisy. Naturingan daw itong guro pero ganito ang kanyang pananaw sa mga
katutubo. Dapat diumano ay maging magandang halimbawa siya sa kanyang mga estudyante.
May nagsabi rin na mas
malaswa pa nga raw ang iba na nagsusuot ng pekpek shorts kapag sila ay
lumalabas o nasa pampublikong lugar. Eh, si Manong proud lang naman siya sa
kanyang pagiging Igorot. May mga nagsasabi rin na nagpapansin lang ito kung
kaya’t nagpu-post siya nang ganito.