Madalas tayong makabalita na may mga nangmamanyak sa pampublikong sasakyan. Mapa-jeep, FX, bus o ‘di-kaya’y sa MRT o LRT. Kadalasan ay mga babae ang nagiging biktima ng mga mahilig manilip, manghipo o mandunggol ng dibdib. Mayroong nananahimik na lang at mayroon din namang mga pumapalag at ipinapahiya ang nangmamanyak sa kanila. Pero hindi lang naman babae ang maaaring mabiktima nang pangmamanyak. Puwede rin ang lalaki. Isang lalaking pasahero ang nag-viral sa social media matapos itong magalit dahil hinipuan siya sa ari ng isang beki. Ang eksenang ito ay nakuhanan ng video ng Facebook user na si McAdam Datucali Pundaodaya. ...
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.