Nakatakda nang ipakalat ang 500 units ng electric
jeepneys ngayong buwan ng taon bilang pamalit sa mga lumang jeepneys. Hindi
lamang ito ipatutupad sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ito ang inihayag ni
DOTr Undersecretary for Roads Thomas Orbos.
Hindi
naman diumano basta mawawala agad ang mga lumang jeepney dahil mayroon pa
silang three-year transition period. Hahayaan na lang muna nila ang mga tao
kung saan nila gustong sumakay, kung sa lumang jeep o sa e-jeepney.
Sinabi
ni Orbos na ang e-jeep ay environment-friendly, komportable at ligtas sa
mananakay. Mayroon itong free-wifi, CTTV cameras, automated fare collection, may
aircon ang ilang units, may speed limiters at pinatatakbo ng solar o ‘di-kaya’y
electric powered engine.
Pinag-aaralan
pa diumano ng ahensya kung magkano ang ipapataw na pamasahe sa e-jeepney. Pero
ang sigurado, makapagdadagdag ito sa kita ng mga driver dahil mas maluwag ito
kumpara sa lumang jeepney kung kaya’t mas marami itong maisasakay na pasahero.
Ayon
pa kay Orbos, isa pa sa kanilang pinag-aaralan ay pagkakaroon ng espesyal na ruta
ng e-jeepney para makaiwas sa traffic congestion.
Image Source: Rappler |
Pero
‘di masaya ang major transport groups sa modernization ng jeepney. Bukod kasi
sa mawawala na sa kalsada ang mga lumang jeepney, ang malalaking kumpanya
lamang diumano ang higit na makikinabang sa proyektong ito ng pamahalaan. Hindi
ang mga operator at driver na hindi kayang palitan ng e-jeepney ang luma nilang
sasakyan.
Source: Philippine Star