Viral ngayon ang post ng isang ginang na nagngangalang Joyce Bitoy Robles tungkol sa kanyang asawa na manloloko at tumangay ng pera na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.
Makikita
sa video na umiiyak ang ginang dahil ayon sa kanya ay naipit siya sa mga
bayarin at sa bangko. Tinawag pa niya ang asawa na si Wilfredo Robles Jr. na walang konsensya dahil sa
ginawa nito.
Humihingi
ng tulong sa publiko ang ginang na
mahanap ang kanyang asawa at ibinigay pa nito ang plate number ng motor
na gamit nito (plate # BB 32029). Kailangang-kailangan diumanong maibalik ang
perang kinuha nito at panagutan ang panlolokong ginawa sa kanya.
Napag-alaman
ni Joyce na nasa Iloilo ang asaw dahil sa Passi, Iloilo raw ito nag-withdraw ng
atm.
Maraming
netizen ang nanggalaiti sa ginawa ng asawa ni Joyce sa kanya. Kaya’t hiling
nila na sana ay makita na nga ang asawa nito para panagutin. May mga
nagtatanong naman kung paano na-withdraw ang pera nilang mag-asawa gayung dapat
ay may consent ito ng magka-joint account?
May
mga nagpapalagay din na pautay-utay lang
ang pag-withdraw ng asawa ni Joyce hanggang sa umabot ito ng 2 million.
Sa
mga nagtatanong may sagot dito si Joyce, “Para po sa mga nagta2nong kng pano po
natangay ng asawa ko ang 2 million pesos. Eto po ang pangya2ri nagloan po kmi
sa bangko ng construction loan nagbenta po ako ng bahay at lupa pra maitayo ang
plan nmin apartment kc hndi po mareleasan sa bangko kng walang nkatayo na 30%
sa plano. 1st & 2nd release kasama po ako pumipirma sa bangko pero nung
last release hndi ko po alam na nagrelease na cla at wala akong pirma.
Pinaasikaso ko sa asawa ko ang sabi nya skin sa December 26 mare2lease ang pera
un ung araw na umalis sya. Dun ko nalaman na December 20 pa pla narelease ang
pera sa kanya at ang ginawa nya nag request xa s bank na eclose n raw nmin ung
joint account kya ipatransfer nya sa bagong account “HAND WRITTEN PO UNG
REQUEST AT XA LANG NKAPIRMA” so nag open xa ng new account sa ibang branch sa
pangalan lng nya at dun naipasok ng bank ang pera na dapat hndi po un nangyari
kc spouses po kmi sa loan dpat un 2 kming mag received nung pera at pa2sok po
dpat un sa aming joint account kc dun din po nka auto debit ang byad nmin sa
monthly amortisation. Sa madaling salita hndi po ako nanotify na nagrelease at
pumayag ang bangko na xa lng ang nag received at pinasok sa sarili nyang
account. Nag widraw po sya nung December 21,22 at 23. Hndi ko alam kong san nya
tinago ang pera na un. Magaling po xa tlaga planado ang lahat. Gnun po ang
buong pangya2ri may mali din po ang bangko. Kng nasabihan lng po sana ako ng
bangko hndi po mangya2ri ang lahat ito samantalang alam nman nla ang no ko at
di po dpat cla nagrelease ng wala ako.
HNDI PA XA MAKONTENTO NAKUHA PA NYA UNG IBANG RENTA
DI2 SA APARTMENT NA BARYA2 AT NAG WIDRAW PA XA SA ILOILO NG 25k
GANUN PO KAGRABE SOBRANG SAMA NG ASAWA KONG ETO WALA
SYANG KASING HAYUP!
DAPAT NGA PO SA KANYA HNDI NA MABUHAY SA MUNDONG ETO
KC MARAMI PA SYANG MABIBIKTIMA.
Hanggang ngaun wala prin po akong balita sa kanya
pero possible po anjan lng yan sa iloilo, cebu, davao or sa mindanao.
Sana po meron mkakita sa kanya jan".
Panoorin ang video: