Sa panahon ngayon ay napakarami ng modus kaya’t
dapat na maging alisto para ‘di mabiktima. Isa sa mga modus na ginagawa ng may
masasamang loob ay ang kunwaring pagpapabangga sa kotse pagkatapos ay piperahan
ang kawawang biktima. Usung-uso ito sa China na maraming video na nagkalat sa
Facebook kung saan ini-expose ang ganito nilang modus.
Dito
naman sa atin ay may pailan-ilan ding kaso. Usap-usapan ngayon ang isang video
na ipinalabas ng ABS-CBN mula sa dashcam ng nagngangalang Ronald Allan Dizon.
Makikita sa video ang isang magtataho na tumatawid sa kalsada at maya-maya lang
ay nahagip ng sasakyan at nagpagulung-gulong sa kalsada. Pagkatapos ay bigla
ring tumayo, lumakad nang paika-ika at umupo sa gilid ng kalsada. Bumaba pa ang
driver ng kotse na nakabunggo sa magtataho para tingnan ang kalagayan ng
lalaki.
Iba-iba
ang naging reaksyon ng mga netizen na nakapanood sa video. Sa tingin kasi nila
ay parang sinadya ng lalaki na magpabunggo. Imbes na umiwas ay ito pa ang lumapit. Hindi naman daw ang lalaki ang
nabunggo ng kotse kundi ang hawak nitong lagayan ng taho. Nagtataka rin sila
kung bakit parang walang laman ang lalagyan ng taho nang tumapon ito sa
kalsada. May laman sana na tumapon kahit konti kahit sabihing naubos ito. Napansin
din ng mga netizen na pabaliktad ang pag-ikot ng lalaki na dapat daw sana ay
counter clockwise.
Panoorin ang video: