Karamihan ng mga suspek o mga nahuling kriminal ay
kuntudo-yuko at takip pa ng mukha dahil sa hiya. Pero ibahin natin ang suspek
sa panggagahasa at panananaksak na si Raden Argomido dahil nagawa pang
mag-selfie sa loob ng presinto.
Sa ulat ng 24 Oras, makikita sa larawan na
nag-selfie si Argomido gamit ang FB account na may pangalang Raden Nabaro. Nakangiti
ito habang nasa background ang dalawang pulis. Ipinaskil ito niya ito noong
bisperas ng Pasko.
Hindi matukoy ng mga otoridad kung saang presinto
nag-selfie ang suspek.
Si Argomido ay may kinakaharap na kasong rape sa Los
BaƱos,, Laguna. Nito lang bagong taon ay siya naman ang itinuturong nanaksak sa
ama nang babae kanyang diumanong ginagasa.
Ayon sa ulat, kasalukuyan pang pinaghahanap ng
otoridad si Argomido para panagutin sa krimeng ginawa nito.
Panoorin ang video: