Skip to main content

VIRAL: Pulang Van, Nandukot ng Mga Kabataan sa Cavite!

                                     

             Napakadelikado na talaga ng panahon ngayon. Ilang beses na tayong nakakita ng mga post sa social media na mayroong van o sasakyan na gumagala at nandurukot diumano ng mga kabataan. Mahirap makumpirma kung totoo nga ba ito o hindi. Pero kung may makaranas nito isa sa kapamilya o kamag-anak mo ay ibang usapan na ito.

            Isang Facebook user na nagngalang Aralc Ats D Marie ang nagbahagi ng karanasan ng kanyang pamangkin na nadukot diumano ng mga sakay ng isang light red old model van.

            Ayon sa kanyang post, ang pamangkin niyang si Maimai, taga-Carmona, Cavite ay papasok ng eskuwelahan noong January 8, bandang 9-10 am nang mapadaan siya sa nakaparkeng van. 
Pagtapat niya rito ay bigla na lang bumukas ang pinto at tinutukan ito ng baril at sinenyasan na pumasok. Sa takot ng pamangkin ay sinunod nito ang utos.

            Sinabi diumano ni Maimai na tatlong kalakihan ang kumidnap sa kanya. Sa loob ng van ay may tatlong kabataan pa siyang nakasama na nadukot din na nagkakaedad mula 6 hanggang 18-taong gulang. Kapag may umiiyak daw sa kanila ay sinusuntok sila at sinusugatan sa likod ng parang blade na mahaba. Tinakot pa ang mga ito na papatayin kapag nagtangkang tumakas.

            Ibinaba raw si Maimai at ang mga batang kasama nito na sa may Nepa Q-Mart, Kamuning, EDSA para pagtindahin ng sampagita. Medyo pamilyar si Maimai sa EDSA kaya’t alam nito kung nasaan siya. May kamag-anak kasi ito sa Quezon City na pinupuntahan nila. Habang nagtitinda ng sampagita ay tumiyempo raw si Maimai at humalo sa maraming tao para makatakas.  Sumakay ito ng pa-SM North  at kinontak ang kamag-anak na taga-Q.C. para makuha siya.

            Naniniwala si Aralc Ats D Marie na ang pagtitinda ng sampagita ay front lamang ng sindikato. Pinagtitinda rin diumano niumano ng laman sa black market ang kanilang mga batang kinikidnap o ‘di-kaya’t ibinibenta ang organs ng mga ito depende na rin sa pangangailangan ng mga kliyente ng sindikato.

            Ipinapayo ni Aralc Ats D Marie na pag-ingatin ang mga batang kamag-anak o kapamilya para ‘di mabiktima ng sindikato. Huwag didikit sa nakaparada o paparating na van na kahina-hinala.

Basahin ang kabuuan ng post ni Aralc Ats D Marie:

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr