Natagpuan ang bangkayng
isang 17-anyos na babae na wala nang saplot pang-ibaba at nakasako sa isang bakanteng lote sa Barangay Puntod,
Cagayan de Oro City. Ang biktima ay kinilalang si Jerra May Lumacang.
Suspek
sa nasabing krimen ang nobyo nito na si Ric Jan Sumalpong Polimar, 21-taong
gulang.
Ayon
sa report ng 24 Oras, huling nakita si Jerry May kasama si Ric Jan na
nakipag-inuman kasama ang mga kaibigan noong bisperas ng bagong taon.
Hinihinalang
selos ang motibo nang pagpapatay matapos malaman ni Ric Jan na naging
karelasyon ni Jerra May ang dalawa nilang kainuman. Lumabas pa diumano ang
dalawa para bumili ng alak. Pero hinila ng lalaki ang babae sa bakanteng lote
at doon na isinagawa ang pagpatay at panggagahasa.
Naaagnas na ang bangkay ni Jerra May nang ito ay
matagpuan. Natagpuan malapit sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit suot na
pang-ibaba nito at martilyo na posibleng ginamit sa krimen.
Panoorin ang video: