Kung
mayroon mang challenge na maganda na nauuso sa social media, ito ay ang Ipon
Challenge. Tinuturuan kasi tayo nitong magtipid nang sa gayun sa bandang huli
ay mayroon tayong aanihin. May kasabihan nga tayong mga Pinoy na kapag may
isinusuksok, may madudukot.
Viral
ngayon sa social media ang ginawang pag-iipon ng isang estudyante na si Trisha
Ysabell Mistica na nag-ipon sa loob ng 52 weeks o isang taon. Maraming netizen
ang napabilib at na-inspired na gawin din ang ginawa niyang pag-iipon.
Ayon
kay Trisha ay ay wala siyang itinakdang halaga kung magkano ang dapat niyang itabi. Hindi kagaya ng iba na kailangan ay
magtabi ng pabente-bente o di kaya’y pa-singku-singkuwenta. Gusto niya kasi na
masurpresa na lang siya.
Bilang
estudyante ay nahirapang mag-ipon si Trisha dahil na rin sa dami ng bayarin sa
ekskuwelahan. Kaya naman todong pagtitipid ang ginawa niya. Kalahati lang
diumano ng kanyang allowance sa loob ng isang linggo ang kanyang ginagastos.
Sa
loob ng isang taong pagtitipid, nakaipon siya siya ng 59,552.20 thousand pesos.
Ikaw,
kaibigan kaya mo rin bang mag-ipon ng malaking halaga gaya nang ginawa ni
Trisha?
Panoorin ang video: