Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2018

Pasahero na Nambugbog sa Grab Driver, Humingi na ng Tawad

                                        Lumutang na si Jinno John Simon, ang itinuturong nambugbog sa Grab driver na si Armando Yabut.             Sa ulat ng TV Patrol, naglakas-loob na lang diumano siyang lumabas kahit na maraming galit sa kanya. Sirang-sira na ang kanyang pangalan at ni hindi man lang siya makauwi ng apartment para kumuha ng damit. Marami kasing nagbabanta sa kanya.             Ayon kay Simon, pinalabas raw ni Yabut na malinis ang kanyang intensyon sa pagsauli nito ng cellphone. Nagduda siya dahil ilang beses na niyang tinawagan ang naiwan niyang cellphone pero pinapatay ito ni Yabut. Kaya’t dito na niya naisipang tawagan ang costumer service ng Grab para makuha ang personal number ng driver.             Nang makausap ni Simon si Yabut sa telepono, sinabi raw sa kanya na ‘di nito hinahawakan ang naiwang cellphone dahil mayroon siyang pasahero.             Inamin ni Simon na mali ang ginawa niyang pananakit kay Yabut.  Humihingi siya ng tawag sa k

Babaeng umatake sa taga-MMDA, gutom lang daw kaya nag-beast mode

                                    Kamakailan lang ay nag-viral ang isang babae kasama ang kanyang boyfriend dahil nag-beast mode ito matapos na sitahin ng mga taga-MMDA dahil sa wala itong suot na helmet. Pinaglagyan kasi nito ng ulam na sinigang at mechado ang helmet kaya’t ‘di niya isinuot.             Sa ulat ng TV Patrol, tumangging magpaunlak ng panayam ang babaeng nasa viral video. Pero nagpaliwanag siya kung bakit siya nag-beast mode. Halos isang araw na raw siyang walang kain kaya’t naging mainit ang kanyang ulo. Humingi pa siya ng pasensya dahil sa kanyang inasal.             Pero ‘di pa rin ligtas ang babae sa asunto na maaari niyang kaharapin dahil pinag-aaralan na ng MMDA legal department kung ano ang maaaring ikaso sa kanya pati na sa kanyang boyfriend.  Panoorin ang video:

Grab Driver na Nagbalik ng Cellphone ng Pasahero Imbes na Pasalamatan, Binugbog pa!

                                                      Hindi lahat nang pagmamagandang-loob ay nakabubuti. Minsan kasi imbes na pasalamatan ka ng taong pinagmagandahang loob mo ay masasamain pa ito. Ganito ang nangyari sa isang Grab driver na matapos isauli ang naiwan na cellphone ng kanyang pasahero ay binugbog pa ito.             Sa post ng Grab driver na si Kiel Nigel Yabut na nag-viral sa Facebook, kinuwento niya na nag-pick up siya ng pasahero na nagngangalang Jinno Jhon P.  Simon bandang 12:21 AM  noong February 9. Nagpahatid ito sa kanya sa may Kamuning.             Sinabi ni Yabut na naki-charge sa kanya si Simon, pero naiwan nito ang cellphone. Nakalayo na siya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tinawagan siya ni Simon at pinasusoli ang cellphone sa kanya. Pinababalik nito ang Grab driver sa Kamuning.             Sinabi ng driver na sa umaga na lang niya isasauoli ang cellphone. Pero nagpumilit ang pasahero na emergency lang at kailangan na nito ang cell

WATCH: Mga Batang Ginagaya ang Dragon Dance, Patok sa Mga Netizen!

      Chinese New Year kaya makakakita tayo ng dragon dance kung saan-saan. Hindi lang naman ang mga kapatid nating Intsik o Tsinoy ang nagdiriwang kundi pati na rin ang mga wala namang dugong Intsik ay nakikisaya rin.       Kung gusto mong makakita ng nagda-dragon dance, hindi mo na kailangan pang pumunta ng Chinatown. Baka makasalubong mo ang mga bata na ginagaya ang dragon dance kapalit ng pera. Pero sila walang ka-effort-effort sa costume at pantugtog. Simple lang kasi ang style nila.        Viral ngayon sa social media ang mga bata na nag-iikut-ikot at nagda-dragon dance kapalit ng pera. Na-videohan sila ng netizen na nagngangalang Ryan Blanco. Makikita sa video na timba ng pintura ang ginawa nilang drum habang ang isa naman ay may suot na tray na binalutan ng plastic sa ulo. Ang huli na ang pinaka-dragon na sumasayaw sa saliw  ng tugtog na nagmumula sa timba.       Maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng mga batang ito dahil sa kanilang pagiging madiskarte o ma

VIRAL: Babaeng Sinita Dahil Walang Helmet, Nagwala!

                                          Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagwawala sa kalsada matapos na sitahin ng MMDA traffic enforcer dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet.           Ayon sa post ng Gadget Addict na nagbahagi ng naturang video, nauna nang nasita ang babae sa Road 3 dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet. Pagkalipas lang ng labing limang minute habang binabagtas ng sinasakyan nilang motorbike ang Visayas Avenue ay ‘di pa rin suot ng babae ang helmet.          Makikita sa video na galit na galit ang babae habang sinusugod nito ang traffic enforcer na sumita sa kanya. Nagalit ang babae dahil pinagtatawanan diumano siya ng traffic enforcer.                      Inisyuhan na lang ng ticket ang babae at ang kasama nito dahil patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng masasakit na mga salita.         Nang tanungin kung bakit ‘di nagsuot ng helmet ang babae, sinabi nito na sa helmet niya inilagay ang biniling ulam. 

Pagpapakamatay ng Isang Lalaki, Napigilan Dahil sa Isang Halik

                                            Mukhang marami ang tinatamaan ngayon ng matinding depression kabilang na rito ang mga kabataan. Kahit saang parte ng mundo ay nangyayari ang ganito. Pero may ilan pa rin namang nakaliligtas dahil sa tulong ng iba.              Maniniwala ba kayo na ang isang halik lamang ay maaaring makapagligtas ng buhay ng tao?             Isang kabataang lalaki sa bansang China ang nailigtas dahil sa paghalik sa labi ng 19-anyos na babae na nagngangalang Liu Wenxiu.                            Sa ulat ng China Daily, naglalakad ang babae nang makita niya ang isang lalaki na nasa gilid ng tulay at may hawak na kutsilyo. Agad niyang itong nilapitan dahil napansin niya na nakatingin lang ang mga tao sa lalaki at tila walang gustong tumulong.             Ayon pa sa dalaga, ilang beses na rin siyang naging suicidal noon kung kaya’t alam niya ang pakiramdam ng mga taong may matinding depression.             Napag-alaman na kaya gustong

Ginang, Nakuhanan ng Kalahating Milyong Piso Dahil sa Pekeng Raffle

                                  Lungkot at panghihinayang ang naramdaman ng isang ginang sa Baguio City na nagpapatago sa pangalang ‘Katherine’ , 57-taong gulang nang mapagtanto niyang nakuhanan siya ng pera ng mga scammer na umaabot na mahigit kalahating milyong piso. Naibigay niya ang nasabing halaga sa mga taong tumawag sa kanya na nagsabi na nanalo siya sa isang raffle.         Ayon sa kanyang kausap, nanalo siya ng 750,000 na cash at para makuha ito kinakailangan na magbigay siya ng pera para sa pagpu-proseso ng mga papeles.          Sa salaysay ng ginang, taong 2016 pa nang magsimula siyang tawag-tawagan nang mga nagpakilala na taga-iba’t ibang sangay ng gobyerno na nakabase sa Maynila. Umasa ang ginang na totoo ang sinabi ng mga ito. Gagamitin niya sana ang perang makukuha niya sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Pero huli na nang mapagtanto niya na naloko lang pala siya. Tinangka pang bawiin ng ginang ang pera na kanyang naibigay sa mga katransaksiyon, pero ‘di puma

VIRAL: Shoplifter na Nagpuslit ng 39 na Bote ng Alak, Nasabat!

                                         Ang mga shoplifter ay may kanya-kanyang istilokapag nagpupuslit sila ng gamit na kanilang makursunadahan. Kapag babae, and'yan 'yung nagkukunwaring buntis at doon ilalagay sa kanilang tiyan ang mga inumit partikular na ang damit. Kung maliit na item lang naman ay ibinubulsa na nila ito. Pero madalas kahit ano'ng utak ng mga shoplifter ay nabubuking pa rin sila.          Kung patindihan lang ng diskarte sa pang-uumit ng produkto aba'y wala na yatang titindi sa lalaki na nasa viral video.  Makikita sa video na paiisa-isang pinalalagay sa mesa ng mga pulis ang mga alak na inumit ng shoplifter. Mantakin mo ba naman ay nagawa niyang maglagay ng 39 na bote ng alak sa kanyang jacket. Sa dami ng mga ito ay parang may fiesta sa kanila at ang mga ito ang kanyang ihahain sa mga bisita. Kung hindi naman ay may balak siya na magtayo ng bar. Sayang nga lang at nahuli siya eh 'di sana masaya nakapaglasing na sana siya ng todo.

Magkasintahang OFW sa Jeddah, inaresto dahil sa marriage proposal nila sa harap ng publiko

                                       Karaniwan na ang kapag nagpu-propose ng kasal ang isang lalaki sa kanyang kasintahang babae ay puno ito ng gimik. Iba-iba ang istilo na makikita natin para lang masurpresa ang minamahal. Nand’yan na kasabwatin pa ang mga kaibigan. At para ipakita na mahal na mahal nga nila ang babae ay nagpu-propose pa sila sa publiko. Agaw-atensyon nga naman ito. Pero hindi lahat ng proposal ay humahantong sa maganda. Hindi dahil sa ‘di nag-yes ang babae sa tanong ng lalaki na ‘Will You Marry Me’. Mayroong kasing proposal na nangyari ng OFW sa Jedah Saudi  na bagama’t nakamit niya ang pagpayag na pakasal ng kanyang kasintahan ay inaaresto naman sila. Ito ay dahil sa nag-proposed ang lalaki sa publiko na may kasama pang pagsayaw gayung nasa konserbatibo silang bansa. Agad na nag-viral ang video ng magkasintahan hanggang sa makuha nito ang atensyon ni Prince Khalid Al-Faisal, Emik ng Makkah at agad nitong pinag-utos ang pag-aresto sa dalawa. Panoorin