Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2020

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr

Lockdown violators, pinapasakay sa ambulansya na may kasamang Covid positive?

Sa panahon ngayon na laganap na sa mundo ang sakit na Covid. Kanya-kanya nang paraan para makaiwas sa sakit na ito ang pamahalaan ng iba't ibang bansa. Kasama na nga ang pagku-quarantine o tinatawag din na lockdown. Dito sa Pilipinas, mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa mga lumalabag sa ECQ. Kung anu-ano nang pagpapaalala ang kanilang ginagawa. Minsan tinatakot nila ang mga tao. Sa isang lugar, mayroong pang kabaong at dito nila pahihigain ang mga lumalabag sa curfew. Sa India naman, pinapalo nila ng yantok ang mga maabutan nila sa kalsada. Magaling din silang manakot. Sa isang video, makikitang papasakayin sa ambulansiya ang mga nahuli nila kasama kunwari ang isang positive sa Covid na isa ring pulis. Eh, di siyempre pahirapan sa pagpapasakay dahil panay kawag at nagsisigaw pa ang mga nahuli. Pero naisakay pa rin sila. At nung nandoon na sa loob ng ambulansiya ay hystirical pa rin sila. Nagawa pa nilang tumalon sa bintana ng sasakyan. Kahit biro lang ito,

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila

Pamilya na nakakuha ng 6,700 na ayuda sa DSWD, timbog sa Droga!

Timbog ang apat na katao na magkakapamilya matapos silang mahuli sa buy bust operation na isinagawa sa Tatalon, Quezon City. Ito ay sa kabila nang umiiral na Enhance Community Quarantine, nagawa pa rin nilang makipagtransaksyon. Ang mga nahuli ay sina Elvie Flores kasama ang kanyang dalawang anak na sina Angelo at Natalie pati na rin ang balae nito. Ayon sa pulisya, ang mga anak ni Elvie ay kanyang ginagamit para maging taga-abot ng droga. Habang ang balae naman ay gumagamit at kumukuha o nagbibenta rin. Nakuha mula sa kanila ang labintatlong sacchet ng shabu na may street value na 30 thousand pesos. Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagtutulak kasabwat ang kanyang mga anak. Ito na raw ang kanyang ipinambuhay sa mga anak dahil wala siyang asawa. Sinabi rin ng pulisya na si Elvie at balae nito ay benepisaryo ng 4ps at parehong nakatanggap ng 6,700 mula sa DSWD na ginamit nila diumanong puhunan para sa iligal na negosyo.  

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan. Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa. Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan. Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte. Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine.

Sabong at Iba pang Sugal, Bawal na sa Davao City

Iniutos na ni Mayor Sarah Duterte na ganap na nang ipagbawal ang sabong   o anumang uri ng lugar na kanyang nasasakupan. Ito ay matapos na magkasundo ang Davao City Council para sila ay maging gambling free na. Kamakailan lang ay may mga sabungero na nasawi dahil sa Covid na nagsipagdalo sa Araw ng Davao Derby na ginanap sa New Davao Matina Gallera. Kabilang sa nasawi ang operator ng sabungan na si Mr. Dory Uy, isang kristo at iba pa. Umani ng iba't ibang reaksyon ang ginawanh hakbang na ito ng sabungera. May pumuri at meron ding hindi natutuwa partikular na ang mga sabungero na taga-roon. Payagan diumano nilang magkaroon uli ng sabong sa Davao City pagkatapos ng problema sa Covid. Dismayado rin ang iba at nagsabi na 'di na iboboto sa sunod ang mga Duterte sa susunod na eleksyon. Ayon naman sa Mayora na kaya ipinagbawal ang sabong, STL at lahat na ng uri ng sugal ay ayaw niyang maging accessable ito sa mga ordinaryong mamamayan o mahihirap.

4 at 5 taong Gulang, Nag-Donate ng Pera kay Mayor Keith Nieto

Kabi-kabila ang pagbibigay ng mga donasyon sa panahong ito dahil sa hirap na nararasan sa krisis na likha ng Covid. Walang sa edad ang pagtulong at pinatunayan yan nang magkapatid na sina Uan at Rj ng Villahe East, Cainta. Marami ang bumilib sa magkapatid dahil sa mura nilang isipan ay nagawa nilang mag-donate ng pera na kanilang naipon. Siyempre, panay papuri rin ang inabot ng kanilang mga magulang dahil napapalaki nila ito ng tama at may pagmamahal sa kapwa. May nagtext diumano kay Mayor Kieth Nieto na kung puwede ay daanan sila sa bahay para makuha ang kanilang donasyon dahil di sila makalabas. Personal naman itong pinuntahan ni Mayor. May kalakip pang liham ang donasyon. Talagang abangers daw sila ni Mayor at sana ay makatulong ang bigay nila. Sabi naman ng ibang netizen, kapag pinagkakatiwalaan ng mga tao ang namumuno sa kanilang bayan  ay ganado silang tumulong.

Lalaki, Tinodas ang Kapitan Dahil sa 5-8k Amelioration!

Na-huli cam ang ginawang paspaslang ng isang lalaki sa kapitan sa San Pablo, Sta. Ana, Laguna. Makikita sa CTTV na nag-uusap ang suspek at biktima, maya-maya ay naglabas ang suspek ng ito ng itak sa  kanyang bag. Ilang sandali lang ay pinagtataga niya ang kapitan. Tinamaan ito sa leeg at ulo na naging sanhi nang agarang pagkamatay. Hindi diumano nabigyan ng 5-8k Amelioration ang suspek na nagngangalang Pablito Uy kaya ito nagalit. Ang kapitan ay nakilalang si Larry Calderon Rosales. Agad namang nahulis ng kapulisan ang suspek. Panoorin ang video: