Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2017

Horror Story ng Isang Kostumer Laban sa Toyota, Usap-usapan sa Social Media

Viral ngayon ang ipinaskil na rant post ng Facebook user na si Ek Ek laban sa Toyota Motor Philippines dahil imbes na maayos ang ipinagawa niyang sasakyan ay dumami pa ang sira nito. Ayon kay Ek Ek, may minimal damage lang ang kanyang sasakyan nang dalhin niya ito sa branch ng Toyota sa may Fairview, pero laking gulat niya nang maibalik ito sa kanya dahil ang dami nang diperensya. Ipinangako rin diumano ng Toyota na apat na araw lang nila gagawin ang kanyang sasakyan, pero umabot nang 24 days bago niya ito makuha. Natuklasan ni Ek Ek, sa tulong na rin ng dashboard cam na kaya pala nagkaroon ng maraming depekto ang kanyang sasakyan ay dahil pinagpraktisan ito ng estudyante ng staff ng taga-Toyota. Nabanggit din niya na malaki ang naging bawas ng gas ng kanyang sasakyan. ‘Yun pala ay  may nagpapalamig dito habang naka-on pa ang radio. Nangako naman daw diumano ang Toyota na aayusin nila ang problema ni Ek Ek. Papalitan daw ng kumpanya ng bago ang kanyang sasakyan. P

Viral: Marriage Proposal sa Mcdo

Sari-sari ang gimik ng mga lalaki kapag sila ay nagpu-propose sa kanilang mga minamahal. Mayroong simple lang at mayroon din namang pa-bongga. Depende na rin siguro sa estado ng buhay ng isang lalaki. Karaniwang ang commercial ng Mcdo ay punung-puno ng emosyon o nakaka-touch ‘ika nga. Pero ibang klase rin ang ginawa ng isang lalaki para sa kanyang nobya dahil sa loob ng Mcdo siya nag-propose sa kanyang girlfriend. Ayon kay Frances Dannielle Rodas, nagugutom siya at sandwhich na lang ang kakainin niya para ‘di siya mahuli sa kanyang trabaho. Ipinagpilitan diumano ng kanyang boyfriend na si Enujnivel Solis na sa Mcdo na lang sila kumain. Ayun nga, umorder si Frances ng 1 pc chicken kasi ito ang paborito niya. Bigla diumanong nagsalita ang crew kung may gusto pa itong orderin dahil mayroon silang bagong product. Laking gulat niya nang ikutin ang menu board dahil may mensahe ito na “Will you marry me?” Bagama’t nahihiya dahil maraming tao at may nagbi-video pa ay nagpapasa

Bangkay na Nakasilid sa Maleta, Natagpuan sa Binangonan, Rizal

          Isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa maleta ang natagpuan sa Binangonan, Rizal nitong ika-9 ng Hulyo ng madaling araw. Nakagapos ang mga kamay at paa nito, may busal sa bibig at may tali pa sa leeg .  Nakita ng mga residente ang bangkay sa may Macopa St., Brgy. Batingan bandang 3:30 ng madaling araw. Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay kinilala ng kanyang mga kaanak. Ito ay nagnangalang Joren Fermin Obdusantos, 23-taong gulang at residente ng Brgy. Pipinditan. Ang bangkay ng biktima ay walang tama ng bala o anumang sugat. Hinala ng mga otoridad na pinatay ito sa pamamagitan ng pagsakal. Ayon sa mga otoridad, sa ngayon ay wala pa silang suspek. Inaalam pa nila ang dahilan kung motibo sa likod nang pamamaslang. Samantala, sinabi naman ng isang nagtatrabaho sa barangay na dati nang may record nang pagnanakaw si Joren at ilang ulit na itong naglabas-masok sa kulungan. 

Lalaking Nag-viral Dahil sa Pambabastos sa LBC Staff, Tukoy na!

Napangalanan na ang lalaking kamaikailan ay nag-viral sa social media matapos itong mag-eskandalo sa LBC dahil ayaw tanggapin ang ID nito na expired niya. Ito ay pinangalanan ng talent ng ABS-CBN na si Nozumi Sakuma, ang lalaki diumano na nasa video ay si Mard Gutierez. Ayon kay Sakuma, “I feel sorry for my former co-host,ard Gutierez  because of his ugly personality. Sabin a eh, makakkahanap ka rin ng katapat mo”. Photo Credit: Nozumi Sakuma/Pinoy Viral Core 365           Noong magkasama pa raw sa trabaho ang dalawa ay masyadong bossy si Gutierez. Ito ang dahilan kung bakit iniwanan niya ang kanyang trabaho. Ang dalawa ay nagkasama sa DZAR Sonshine Radio na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy. Naiinis si Zakuma kay Gutierez dahil lagi raw nitong ibinubulsa ang kanyang talent fee. Pati mga sponsor ay gusting angkinin. Palagi pa nga siyang ipinapahiya sa kanyang mga fans kapag mayroon silang outdoor shooting. Bukod kasi sa pagiging co-host, nagka-camera man

Away sa Pagitan ng Bus Driver at ng Traffic Enforcers, Viral sa Social Media

Lagi na lang laman ng balita ang awayan ng mga motorista at ng mga MMDA traffic endorsers. May mga pagkakataon na sadyang pasaway ang ilang motorist, imbes na ibigay ang kanilang lisensya kapag tinitikitan ay tumatakas pa. Mayroon pa ngang nanagasa ng traffic enforcer. Minsan din naman, ang traffic enforcer ang gumagawa ng kalokohan. Ang iba kasi sa kanila ay nangongotong. Pero kakaiba ang video na kasalukuyang kumakalat ngayon dahil mistula itong royal rumble sa pagitan ng bus driver at ng mga traffic enforcer. Makikita sa video na nagkagulo ang magkabilang panig. Napakatapang ng driver dahil pagkatapos nitong banatan ang isa ay binanatan naman ang isa. Ang naturang video ay shinare ng Facebook user na si Zaint Rayaj Ocampo at habang isinusulat ito ay nakakuha na ito ng 2 million views, 31 thousand shares at 1.8 thousand likes. Hindi na nilinaw ni Zaint kung ano ang dahilan at bakit nagkasuntukan ang bus driver at mga taga-MMDA. Tuwang-tuwa naman ang mga nakapanood ng

Trillanes: Termino ni Duterte 'di Niya Matatapos

Muli na namang binanatan ng senador na si Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niya na hindi nito matatapos ang natitira pa nitong limang taon na termino. Ito ay dahil may nakasampa pang kaso sa ICC laban sa pangulo. Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Trillanes “Palagay ko, hindi niya matatapos ang kanyang termino dahil nakaumang ang ICC case. Mabigat ito dahil hindi nila ito madadaan sa propaganda o sa troll army. Matindi ang tama n’yan”. Idinagdag pa ng senador na sa susunod na taon ay maaari uling magkaroon ng impeachment laban sa pangulo. Nakadepende diumano ito sa ihip ng hangin. ‘Yung mga kongresista na sumisipsip ngayon ay ‘yun din ang sasaksak sa likod ni Duterte. Kung si Trillanes ang tatanungin hinggil sa performance ng pangulo sinabi niya na sa kangkungan tayo pupulutij. Wala raw kasi siyang nakikitang magandang direksyon sa pamumuno ni Duterte.  Source: GMA News