Lagi na lang laman ng balita
ang awayan ng mga motorista at ng mga MMDA traffic endorsers. May mga
pagkakataon na sadyang pasaway ang ilang motorist, imbes na ibigay ang kanilang
lisensya kapag tinitikitan ay tumatakas pa. Mayroon pa ngang nanagasa ng
traffic enforcer. Minsan din naman, ang traffic enforcer ang gumagawa ng
kalokohan. Ang iba kasi sa kanila ay nangongotong.
Pero kakaiba ang video
na kasalukuyang kumakalat ngayon dahil mistula itong royal rumble sa pagitan ng
bus driver at ng mga traffic enforcer. Makikita sa video na nagkagulo ang
magkabilang panig. Napakatapang ng driver dahil pagkatapos nitong banatan ang
isa ay binanatan naman ang isa.
Ang naturang video ay
shinare ng Facebook user na si Zaint Rayaj Ocampo at habang isinusulat ito ay
nakakuha na ito ng 2 million views, 31 thousand shares at 1.8 thousand likes. Hindi na nilinaw
ni Zaint kung ano ang dahilan at bakit nagkasuntukan ang bus driver at mga
taga-MMDA.
Tuwang-tuwa naman ang
mga nakapanood ng video. Paano nga kasi ay napakatapang ng kalbong driver. Pero
yari diumano ito dahil siguradong mawawalan siya ng lisensya sa pagmamaneho.
Panoorin ang video: