Sari-sari ang gimik ng
mga lalaki kapag sila ay nagpu-propose sa kanilang mga minamahal. Mayroong
simple lang at mayroon din namang pa-bongga. Depende na rin siguro sa estado ng
buhay ng isang lalaki.
Karaniwang ang
commercial ng Mcdo ay punung-puno ng emosyon o nakaka-touch ‘ika nga. Pero
ibang klase rin ang ginawa ng isang lalaki para sa kanyang nobya dahil sa loob
ng Mcdo siya nag-propose sa kanyang girlfriend.
Ayon kay Frances
Dannielle Rodas, nagugutom siya at sandwhich na lang ang kakainin niya para ‘di
siya mahuli sa kanyang trabaho. Ipinagpilitan diumano ng kanyang boyfriend na
si Enujnivel Solis na sa Mcdo na lang sila kumain.
Ayun nga, umorder si
Frances ng 1 pc chicken kasi ito ang paborito niya. Bigla diumanong nagsalita
ang crew kung may gusto pa itong orderin dahil mayroon silang bagong product.
Laking gulat niya nang ikutin ang menu board dahil may mensahe ito na “Will you
marry me?” Bagama’t nahihiya dahil maraming tao at may nagbi-video pa ay
nagpapasalamat siya sa kanyang boyfriend. At siyempre, oo ang naging sagot
niya.
Marami namang natuwa at
kinilig na mga netizen sa kuwento ng proposal ng dalawa. Nasabi tuloy ng iba na
may forever sa Mcdo!