Isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa maleta ang natagpuan sa Binangonan, Rizal nitong ika-9 ng Hulyo ng madaling araw. Nakagapos ang mga kamay at paa nito, may busal sa bibig at may tali pa sa leeg .
Nakita ng mga residente
ang bangkay sa may Macopa St., Brgy. Batingan bandang 3:30 ng madaling araw.
Ayon sa mga otoridad,
ang biktima ay kinilala ng kanyang mga kaanak. Ito ay nagnangalang Joren Fermin
Obdusantos, 23-taong gulang at residente ng Brgy. Pipinditan.
Ang bangkay ng biktima
ay walang tama ng bala o anumang sugat. Hinala ng mga otoridad na pinatay ito
sa pamamagitan ng pagsakal.
Ayon sa mga otoridad, sa
ngayon ay wala pa silang suspek. Inaalam pa nila ang dahilan kung motibo sa
likod nang pamamaslang.
Samantala, sinabi naman ng isang nagtatrabaho sa barangay na dati nang may record nang pagnanakaw si Joren at ilang ulit na itong naglabas-masok sa kulungan.