Muli na namang
binanatan ng senador na si Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi niya na hindi nito matatapos ang natitira pa nitong limang taon na
termino. Ito ay dahil may nakasampa pang kaso sa ICC laban sa pangulo.
Sa panayam ng GMA News,
sinabi ni Trillanes “Palagay ko, hindi niya matatapos ang kanyang termino dahil
nakaumang ang ICC case. Mabigat ito dahil hindi nila ito madadaan sa propaganda
o sa troll army. Matindi ang tama n’yan”.
Idinagdag pa ng senador
na sa susunod na taon ay maaari uling magkaroon ng impeachment laban sa
pangulo. Nakadepende diumano ito sa ihip ng hangin. ‘Yung mga kongresista na
sumisipsip ngayon ay ‘yun din ang sasaksak sa likod ni Duterte.
Kung si Trillanes ang
tatanungin hinggil sa performance ng pangulo sinabi niya na sa kangkungan tayo
pupulutij. Wala raw kasi siyang nakikitang magandang direksyon sa pamumuno ni
Duterte.
Source: GMA News