Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Education

Library Versus Internet

            Sa panahon ngayon na nasa Internet Era tayo ay may puwang pa ba ang tradisyonal na silid-aklatan? Gayung sa ilang click lang ng mouse sa computer ay puwede mo nang    mahanap ang kinakailangang impormasyon sa isinasagawang pagsasaliksik. Sinasabing wala ng kabuluhan pa ang Encyclopedia dahil mayroon namang Wikipedia sa Internet. ‘Di na nga namang kinakailangan pang magbuhat ng malaki at mabigat na libro. Kahit ganito, kung titingnan ay marami pa rin namang mga mag-aaral ang nagtutungo sa silid-aklatan dahil libre lang naman ang paggamit dito. Bukod sa mga paaralan ay ‘di pa rin naman nawawala ang mga pampublikong mga silid-aklatan sa mga bayan-bayan.          Kung susuriin ay bentahe at ‘di-magandang bentahe rin ang paggamit ng Internet. Una, kahit sino ay maaaring maglagay ng impormasyon dito. Kaya’t hindi makasisiguro sa kawastuan ng mga impormasyong mababasa. Kaya dapat lamang na suriin itong mabuti....

AlDub Received An Award Together with Kalye Serye Casts of Eat Bulaga #AlDubNation #AlDubForLove #PinoyBlogWatch

AlDub Received An Award Together with Kalye Serye Casts of Eat Bulaga #AlDubNation #AlDubforLove #PinoyBlogWatch The characters of Kalye Serye, TV Host and comedian Wally Bayola, dressed in his Lola Nidora costume, and Maine Mendoza a.k.a . Yaya Dub thanked fans at the Sta. Rosa City Auditorium after receiving an award in the 1st Catholic Social Media Awards, an event organized by church-based organizations Youth Pinoy and Areopagus Communications Inc., on October 11, 2015. “Ito na ang tamang panahon!' Lola Nidora tells the crowd. Plus, Maine Mendoza speaks! Mendoza, who barely speaks in the Kalyeserye series, surprised the crowd when she spoke to thank everyone,"Para po sa inyong lahat ito," said Mendoza to a cheering crowd. The Kalyeserye will continue to pave the way to impart good values, good conduct, love for others, and love for God. Thank you very much. Given recognition in the event are Wally Bayola, Maine Mendoza, Alden Richards, and the producers of...

Tips Kung Paano Haharapin ang Child Tantrum

Ang pagresolba habang nag-aalburuto o nagta-tantrum ang maliit pang anak ay napakahalaga dahil ang maling pagharap dito ay maaaring makadagdag pa sa problema. Ang ilan sa dahilan nito ay kapag 'di ito kumportable o 'di kaya ay kapag may kinaiinisan. Pero ang karaniwang dahilan ay kapag mayroon isang bagay na gustong makuha. Dinadaan ito sa pag-aalburuto para agad na mabigyan ng pansin ng magulang o sinumang taga-pag-alaga. Minsan ay nakatutuksong ibigay na lang ang hinihingi ng bata para matigil na ito sa pagsisigaw-sigaw at pag-iyak. Ang mahirap pa ay kapag sa pampublikong lugar ito nag-alburuto. Para nga matigil nga naman ang pag-aalburuto ay pagbibigyan na lang ito. Pero hindi tama ang ganito dahil imbes na sawatain ay binibigyan pa ng reward ang bata. Dahilan din ito para ma-spoiled ang bata, na lahat ng kanyang gusto ay dapat masunod at makuha. Maiisip tuloy ng bata na tama lang ang kanyang ginagawa para na rin makuha ang gusto. Kapag natapos na ang pag-aalburu...

Ano ang Mas Mahalaga, Edukasyon o Kayamanan?

                                   Ano nga ba ang higit na mahalaga, edukasyon ba o kayamanan? Kung tutuusin ay pareho lang naman itong mahalaga dahil ‘di mo puwedeng paghiwalayin sa isa’t isa. Pero sa ating mga Pinoy, gaano man kahirap ang isang pamilya, laging nating naririnig na pinapahalagahan natin ang pag-aaral. Di ba’t sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak na mag-aral silang mabuti dahil tanging edukasyon lamang ang kanilang maipapamana? Ang ilan nga ay iginagapang pa ang pag-aaral sa mga anak dahil ayaw nilang matulad ang mga ito sa kanila na mangmang o walang pinag-aralan.                 Pero tanggapin man natin at hindi at mahalaga ang pagkakaroon ng kayamanan bagama’t kaya mo naman itong kamtan kung mayroon kang edukasyon. Siyempre, ang ating utak ang lilikha kung paano natin mapapaganda ang ating b...

Paano Malalaman Kung Nagsisinungaling ang Isang Tao?

Nahihirapan ka bang malaman kung nagsisinungaling sa iyo ang isang tao? Puwes narito ang ilang mga palatandaan kung nagsisinungaling sa iyo ang kausap mo. -Ang taong nagsisinungaling kapag nakikipag-usap ay hindi tumitingin ng diretso sa kausap. Ibig sabihin ay hindi ito sinsero sa kanyang mga sinasabi. Ang mga mata kasi ay nagpapahayag ng ating mga saloobin kaya’ kung titingin siya sa mata ng kausap ay maaaring itong mabuking na nagsisinungaling siya. -Ang sinungaling kapag ngumiti ay plastik. Dahil bibig lang nito ang gumagalaw at walang ekspresyon ang mga mata. Idinadaan na lang niya sa kunwaring pagngiti ang isang bagay para ‘di isipin ng kausap na apektado siya sa iyong mga itinatanong sa kanya. -Iba rin ang ekspresyon ng kanyang mukha o ikinikilos sa kanyang sinasabi. Halimbawa, sinasabi niyang hindi siya galit pero nakasimangot naman. O ‘di kaya’y sinasabi niyang hindi siya apektado ng isang bagay pero kapag ‘di ka naman nakatingin ay bubulung-bulong naman. -Paiba-iba...

Pawn Star TV Show: Para sa Kultura at Kasaysayan

           Kung educational TV show ang hanap mo, mabuting panoorin mo ang Pawn Stars na ipinapalabas ng Channel 11 tuwing Sabado, 9 pm. Pinagbibidahan ito ng Pamilya Harrison kabilang sina Old Man, Rick at Corey o Big Hoss, kasama rin ang tauhan nila sa shop na si Chamley. Ang kanilang shop ay matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. Si Rick at Corey at minsan nang bumisita sa Pilipinas para i-promote ang kanilang show.             Sa palabas na ito ay marami kang matututunan hinggil sa kasaysayan, hindi lang sa bansang Amerika kundi pang-global na rin. Iba’t ibang klase ng mga antique items ang dinadala sa shop gaya ng mga baril, kanyon, espada, kutsilyo, alahas at kung anu-ano pang bagay na may halaga. Kung mas luma, mas mahal ang presyo depende na rin sa naging bahagi nito sa kasaysayan. Ang bawat isang item ay may kanya-kanyang istorya na talaga namang interestanteng malaman. Maliban na lang s...

Mga Benepisyo sa Saging

Kahit saang sulok ng bansa ay mayroong puno ng saging. Sadyang napakalaki ng pakinabang natin dito dahil bawat parte ay mayroong gamit. Maihahalintulad ito sa puno ng niyog na tinaguriang 'tree of life.' Pero ang puno ng saging ay hindi talaga puno kundi isang malaking bulas na herb. Ang hinog na saging ay pagkaing nakapagpapalakas at nakakapagpaginhawa ng pakiramdam. Kaya't hindi ito nawawala sa hapag-kainan ng marami para gawing panghimagas at kung minsan ay inuulam pa! Masarap kasi itong kainin, mayaman ito sa iron kaya't mainam itong kainin ng mga taong anemic o kulang sa dugo. Kapag sa umagang-umaga ito kakainin, nakakapagpaginhawa ito sa pagdumi taliwas sa paniniwala ng iba na ang saging ay nakakapagpatigas ng dumi. Ang saging na saba ay masarap kapag ginagawang nilaga, minatamis, balensiya, maruya, bananakyu at iba pa. Ang ilang bahagi naman ng punong saging gaya ng puso ng saging, suwing saging, bulaklak ng saging ay nagsisilbing gulay. Siyempre, ang da...

Print Book Versus E-book

Kumusta na ang industriya ng libro sa kasalukuyan? Totoo bang unti-unti na itong namamatay dahil sa pagsulpot ng internet? May puwang pa ba ang industriya ng libro sa tinatawag nating computer age? Kaunting pindot lang ay magagawa mo nang magsaliksik para makuha ang mga impormasyong naisin mo. Hindi katulad sa bookstore na mahihirapan ka pang maghanap ng paksa na nais mong basahin. Ngunit kung papanong ang radyo ay hindi naman nawala sa pagsulpot ng telebisyon ganun din naman pagdating sa industriya ng libro. Kahit pa mayroon ng tinatawag na e-book o mga elektronikong libro na nakalathala sa internet. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa tindahan ng libro kaya’t ‘di ka na maaabala pa. Ang gagawin mo na lang ay ida-download na lang ito sa computer. Babayaran mo na lang sa pamamagitan ng Paypal. Marami ring nagkalat na mga libreng e-books sa internet. Kahit sino ay puwedeng gumawa ng sarili niyang e-book. Mayroong mga libreng site para rito gaya ng Lulu.com, kung saan ay ikaw m...

Mahiyain ka ba?

            May mga taong 'di marunong mahiya kahit mali na ang ginagawa. Pero mayroon ding likas na mahiyain. Ano nga ba ang nasa likod ng pag-uugaling ito?             Ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng tinatawag na inferiority complex o mababang pagtingin sa sarili. Kung kaya't ayaw nang nakikihalubilo sa iba. Dahil hindi alam kung paano makikibagay sa mga taong nasa paligid niya. Palaging ang nasa isip ay baka magkamali at mapulaan ng iba. Nangangahulugan lamang na hindi pa fully develop ang kanyang social skills. Ang isa pang dahilan ay hindi talaga alam kung paano ipapahayag ang sarili. Kaya't sinasarili na lamang kung ano ang iniisip o nilalaman ng damdamin. Tuloy nagiging misteryoso para sa iba dahil 'di mabasa ang tunay na ugali. Ang ilan ay nabuboring makipag-usap sa kanila dahil napakatipid kung magsalita.           Paano nga ba mawawala ang pagiging mahiyain? Simple lang. Una, ...

Huseng Batute: Dakilang Makata

   Isa si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute na maipagmamalaki nating mga Pilipino sa larangan ng Panitikan. Nakaukit na sa dahon ng kasaysayan ang kanyang pangalan at hindi mapaparam sa paglipas ng panahon. Isinilang siya noong Nobyembre 22, 1894 sa Sta. Cruz, Manila. Anak siya nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Siya ay kinilala bilang isang mahusay na makata, mang-aawit at artista noong kanyang kapanahunan. Wala diumanong dalaga noon na hindi malalaglag ang puso kapag siya ang tumutula o umaawit sa entablado dahil na rin sa kisig at ganda ng kanyang tinig. Subalit ang kanyang pag-ibig ay inilaan niya kay Asuncion Lacdan, ang kanyang naging asawa. Bagama’t nagtapos si Jose Corazon dela Cruz ng abogasya, hindi siya kumuha ng pagsusulit sa bar. Mas pinili pa niya ang maging isang manunulat. May kolum siya ng mga tula sa Taliba noong 1920, ang Buhay-Maynila at dito niya ginamit ang sagisag na Huseng Batute. Nagkaroon din ...

Ano ang ADHD?

         Ito ay ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder na isang uri ng behavioral disorder. Ang ilan sa sintomas nito ay ang sobrang pagiging makulit at malikot na karaniwang nakikita sa mga batang edad 7 at 1/3 porsiyento ng mga may ADHD ay nananatiling ganito hanggang sa kanilang pagtanda. Madali lang malaman kapag mayroong sakit na ito, hindi na kailangan ng blood test o anumang physical examination. Dahil sakit ito sa pag-uugali kaya't kailangan lang ay obserbahan ang ikinikilos ng isang indibidwal. Sinasabing genetic o namamana ang ADHD, nakukuha rin sa magulong kapaligiran at maging ang pang-aabuso sa bata ay isa ring salik para magkaroon nito. Kaya't ipinapayo sa mga magulang na huwag nilang aabusuhin ang kanilang mga anak, pisikal man o verbal.           Ang mga taong may ADHD ay may malaking problemang kinakaharap lalo na sa aspektong sosyal. Madalas kasi imbes na unawain ay nakararanas sila ng rejection o iniiwasan ng ...

Ano ang Autism?

     Ang autism ay isang uri ng developmental disorder kung saan ang taong may taglay nito ay may prolema sa pagsasalita, pakikisalamuha sa iba at sa pag-uugali. Sinasabing maaari itong makuha kapag na-expose sa kemikal ang bata habang nasa loob ng tiyan ng ina at namamana rin. Walang anumang uri ng examination para matukoy ito bagama't mayroong CT scans para malaman ang pagkakaroon ng depekto sa ventricles ng utak. Nalalaman daw kapag mayroong autismo ang bata sa edad na dalawa hanggang taong gulang base sa ipinapakita nito. Halimbawa, kapag hindi siya natutong magsalita, kumilala ng mga tunog, walang reaksiyon kapag tinatawag at wala ring eye contact kapag kinakausap. Pero huwag munang ipagpalagay agad na may sakit ang bata baka delayed lang ang development nito. Para makasiguro makabubuting ipatingin sa isang developmental pedetrician kapag ganito ang kalagayan ng anak.        Ang ilan pa sa tanda ng pagiging authestic ay ang pagsasalita ng mg...

Isang Sulyap sa Talambuhay ni Andres Bonifacio

Kung mayroon mang bayani na naging malaki ang nagawa para sa bansa ay isa na rito si Andres Bonifacio na walang takot noon na nag-aklas laban sa mga Kastila. Ang kanyang buhay ay punung-puno ng hamon at inspirasyon sa kanino man. Isinilang siyang dukha kaya’t bata pa lang ay batak na sa pagtratrabaho. Naging taga-pagtinda siya ng abaniko noong panahon ng kanyang kabataan. Maaga silang naulila ng kanyang mga kapatid at dahil sa panganay ay naiwan sa kanya ang responsibilidad sa pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid. Wala siyang natapos na anumang kurso kung kaya’t ang kakulangan sa pag-aaral ay pinunan niya sa pamamagitan ng pagbabasa. ‘Di ba’t nagging mahusay pa nga siyang manunulat at makata? Isinulat niya ang pamosong tula na, “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,” na naghahayag ng kanyang marubdonb na pag-ibig sa Inang Bayan. Naging paborito niyang basahin ang dalawang aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kabilang na rin ang libro patungkol sa...