Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Fiction

Alyas Boy Tattoo

"Ano pare, astig ba?," tanong ni Goyong sa bagong nalagyan niya ng tattoo. "Ah, oks nga pre, ang galing mo talaga! Salamat sa paglagay ng bungo sa balikat ko, ha," sagot naman nito sabay abir kay Goyong. Si Goyong alyas Boy Tattoo ay kilalang tatoo artist sa kanilang lugar. Bata pa lang siya ay mahusay na talagang mag-drowing. Minsan ding nahilig sa paglalagay ng graffiti sa pader. Nang tumagal ay natutong mag-tattoo dahil naisip niyang maaari siyang makapag-wan ng marka sa mga tao kaya't 'di sila malilimutan ng mga ito. Hindi na mabilang kung ilan na ang nagpa-tattoo sa kanya. Mapalalake man o babae, mula kabataan hanggang sa matatanda lahat ay tiwala sa kanyang husay. Ayos nga lang kahit libre basta sagot mo lang ang pambili ng karayom at tinta. De-makina man o manu-manong pagtatattoo ay kayang-kaya niya. Babae ang pabotitong kostumer ni Goyong dahil nakakatsansing nga naman siya sa dibdib, sa hita o 'di kaya'y sa pigi ng mga ito. Pero hangga...

Billboard Star

Kay gandang pagmasdan ng mga naglalakihan at nagtataasang billboard na nakapuwesto kung saan. Inggit na inggit si Toto sa mga modelong nakalagay sa billboard. Bukod sa magaganda at ang guguwapo ay sosyal na sosyal pa ang dating. Takaw-pansin talaga sa mga nagdaraang mga motorista lalo na kapag ang modelo ay nakabini. Hindi kataka-taka dahil natural na yata sa tao ang pagiging malakas ang libido na binubuhay ng mga larawang kanilang nakikita. Kaya sinasabing nakakawala ng konsentrasyon ng pagmamaneho ang mga ganitong uri ng billboard. Napupunta kasi rito ang pokus na maaari pang mauwi sa aksidente. Pero wala namang naisagawang pag-aaral kung totoo nga ang teoryang ito ng iilan. Ang 'di maaalis na katotohanan ay delikado ang mga naglalakihang billboard kapag mayroong bagyo. Tulad ng nangyari noong si bagyong Milenyo, isang lalake ang namatatay dahil nadaganan ng nilipad ng billboard. Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay nagsagawa ng kampanya ang gobyerno na baklasin na lang ang m...

Multo ni Lola

Inaabangan kong lumabas ang girlfriend ko sa fast food na kanyang pinagtatrabahuan. Alas dos na ng madaling araw. Ilang sandali na lang ay lalabas na ‘yun. Ayokong magpatayu-tayo at maglalakad-lakad habang inaantay siya. Kaya’t minabuti ko munang umupo sa gutter. Naroon si Lola sa may ‘di kalayuan sa akin. Nakita ko na rin naman siya noong mga nakaraan pang gabi. Pero ‘di ko naman siya pinapansin. Tingin ko kasi kay lola ay isang baliw sa kalsada. Kung titingnan kasi ay ang dami niyang dalang abubot at kapag minsan ay bigla na lang nagsasalita mag-isa. Hindi naman siya pulubi kasi hindi naman siya namamalimos. E, ‘di sana ay kanina pa niya ako nilapitan at hiningan ng barya. Hindi pa ako nag-iinit sa aking pagkakaupo ay biglang nagsalita si lola, “Sino ‘yang mga kasama mo?” Sabay turo sa tabi ko. Bigla akong kinilabutan at parang may kung anong malamig akong naramdaman sa aking kaloob-looban. Baka may third eye siya? Si lola naman e, nananakot pa. Hindi ko na lang sinagot ang mata...