Skip to main content

Ano ang Mas Mahalaga, Edukasyon o Kayamanan?

                 
 

               Ano nga ba ang higit na mahalaga, edukasyon ba o kayamanan? Kung tutuusin ay pareho lang naman itong mahalaga dahil ‘di mo puwedeng paghiwalayin sa isa’t isa. Pero sa ating mga Pinoy, gaano man kahirap ang isang pamilya, laging nating naririnig na pinapahalagahan natin ang pag-aaral. Di ba’t sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak na mag-aral silang mabuti dahil tanging edukasyon lamang ang kanilang maipapamana? Ang ilan nga ay iginagapang pa ang pag-aaral sa mga anak dahil ayaw nilang matulad ang mga ito sa kanila na mangmang o walang pinag-aralan.

                Pero tanggapin man natin at hindi at mahalaga ang pagkakaroon ng kayamanan bagama’t kaya mo naman itong kamtan kung mayroon kang edukasyon. Siyempre, ang ating utak ang lilikha kung paano natin mapapaganda ang ating buhay. Madalas nating marinig na kapag mayroon kang pinag-aralan ay malayo ang iyong mararating. Tama ito pero hindi rin ito palaging totoo. Depende pa rin ito kung ano ang iyong nagging propesyon pagkatapos mong mag-aral. Kung ikaw ba ay naging duktor, enhinyero, aboguda at kung ano ang propesyon na may matataas na sahod. Mas maganda kung naging isa kang bigtime na negosyante. Talagang masasabi mo na malayo ang narating mo sa buhay dahil umangat nang husto ang iyyong buhay. Marami rin namang nakapagtapos ng pag-aaral, ‘yun nga lang ay naging empleyado at sumasahod lang ng minimum.

                Pero paano ka makakapag-aral kung kapos ka naman sa kayamanan? Kaya nga maraming talino ang nasasayang dahil lamang sa wala silang pera. Marahil ay may mga kilala tayo na matatalino pero nasayang lang dahil walang-wala talaga sa buhay. Kaya nga ang iba ay nagsisikap na makakuha ng scholarship at ang iba naman ay mapapalad dahil mayroong tumutulong sa kanila sa pag-aaral. Puwedeng mayroon silang sponsor o ‘di-kaya’y may kaanak na mas nakakaangat sa buhay ang tumutulong sa kanila. Pero paano kung wala, eh ‘di wala na?


                Sa kabilang banda naman, kaawa-awa ang mga taong mayroong kayamanan pero kapos naman sa talino? Paano nangyari ‘yun? Sila ‘yung mga taong napamanahan lang ng kanilang mga magulang ng kayamanan. Pero hindi naman marunong humawak ng pera kaya’t ang nangyayari ay nauubos din ang mga ito. Maihahalintulad sila sa ilang nanalo sa lotto, nang manalo ay hindi alam kung paano papalaguin ang kanilang pera. Kaya’t sa halip na i-invest, ang ginawa ay gastos doon, gastos ditto. Sa huli ay walang natira sa kanila, maliban sa bahay na kanilang nabili. Ang iba nga ay naibenta pa ang bahay dahil imbes na pakinabangan ang premyo sa lotto ay namulubi pa. Ang suma total, balik sa dating buhay.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...