Skip to main content

Ano ang Autism?


     Ang autism ay isang uri ng developmental disorder kung saan ang taong may taglay nito ay may prolema sa pagsasalita, pakikisalamuha sa iba at sa pag-uugali. Sinasabing maaari itong makuha kapag na-expose sa kemikal ang bata habang nasa loob ng tiyan ng ina at namamana rin.
Walang anumang uri ng examination para matukoy ito bagama't mayroong CT scans para malaman ang pagkakaroon ng depekto sa ventricles ng utak. Nalalaman daw kapag mayroong autismo ang bata sa edad na dalawa hanggang taong gulang base sa ipinapakita nito. Halimbawa, kapag hindi siya natutong magsalita, kumilala ng mga tunog, walang reaksiyon kapag tinatawag at wala ring eye contact kapag kinakausap. Pero huwag munang ipagpalagay agad na may sakit ang bata baka delayed lang ang development nito. Para makasiguro makabubuting ipatingin sa isang developmental pedetrician kapag ganito ang kalagayan ng anak.

       Ang ilan pa sa tanda ng pagiging authestic ay ang pagsasalita ng mga wikang hindi maintindihan, paulit-ulit ng sinasabi o 'yung tinatawag na ecolalia at kapag nanunuod ng TV ay ginagaya ang naririnig na boses. Kapag mayroong gusto at hindi nakuha ay nagwawala. Siyempre, hindi marunong makihalubilo sa iba dahil hindi maka-relate sa kapaligiran. Kaya't ipinapayo ng mga espesiyalista na huwag silang ikulong sa loob ng bahay. Hindi tama na sila ay ikahiya dahil sa pamilya unang nagsisimula ang pagtanggap bago sa ibang tao. Ipasyal-pasyal din sila para matuto ng social interaction.

    Ayon sa survey,ang pagkakaroon ng autism ay sinasabing mas apat na beses na mataas sa mga lalaki kaysa mga babae. Three-fourths sa kanila ay mentally retarded at 60 poriyento ay mayroong IQ score na 50. Ang nakamamangha, marami sa kanila ang may talento o kagalingan sa iba't ibang larangan gaya sa matematika, musika, pagmimemorya, pag-solve sa jigsaw puzzle at iba pa. Sa ibang banda naman, kapag mild lang ang sakit ay mayroon ding magaganda ang academic performance at nakakapagtrabaho pa; medyo kakaiba o weirdo nga lang kung sila ay kumilos. Kung hindi ka marunong tumingin ay hindi mo aakalaing authestic pala ang isang tao dahil sa maayos nilang hitsura. Malaki ang naitutulong ng mga special school para maging normal pa rin ang kanilang pamumuhay lalo't ang autism ay wala nang lunas dahil permanente na ito.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...