Skip to main content

Pawn Star TV Show: Para sa Kultura at Kasaysayan

           Kung educational TV show ang hanap mo, mabuting panoorin mo ang Pawn Stars na ipinapalabas ng Channel 11 tuwing Sabado, 9 pm. Pinagbibidahan ito ng Pamilya Harrison kabilang sina Old Man, Rick at Corey o Big Hoss, kasama rin ang tauhan nila sa shop na si Chamley. Ang kanilang shop ay matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. Si Rick at Corey at minsan nang bumisita sa Pilipinas para i-promote ang kanilang show.

            Sa palabas na ito ay marami kang matututunan hinggil sa kasaysayan, hindi lang sa bansang Amerika kundi pang-global na rin. Iba’t ibang klase ng mga antique items ang dinadala sa shop gaya ng mga baril, kanyon, espada, kutsilyo, alahas at kung anu-ano pang bagay na may halaga. Kung mas luma, mas mahal ang presyo depende na rin sa naging bahagi nito sa kasaysayan. Ang bawat isang item ay may kanya-kanyang istorya na talaga namang interestanteng malaman. Maliban na lang sa mga item na peke o replikyon lang ng mga orihinal. Masasabing malaki ang market ng mga antique sa Amerika dahil na rin sa dami ng mga nagbibenta at bumibili ng mga ito.

            Hahanga ka sa skills ng pamilya Harrison dahil sa husay nilang makipag-deal. Siyempre, kailangan nilang tumubo sa bawat item na kanilang nabibili. Kaya’t makikipagtawaran talaga sila sa kostumer. Lalo na si Old Man na imbes na dagdagan ang alok kapag humihirit ang kostumer ay binababaan pa niyang lalo. Nagatatanong din siya kung gusto bang i-donate na lang ng kostumer ang dala-dala nilang item. Ang mga kostumer hangga’t maaari ay mapataas nila ang ibinibenta nilang item. Minsan ay ‘di rin naiiwasan na nalulugi sila dahil maliit lang pala ang halaga ng kanilang nabili, taliwas sa kanilang akala. Kaya’t para maiwasan ang pagkakamali ay nagtatawag sila ng mga eksperto para suriin ang item. Sila ang nagsasabi kung peke ba o orihinal ang item at kung magkano ba ang presyo nito. Pagkatapos nito ay bahala na ang mga taga-shop at kostumer kung sa magkanong presyo ba sila magkakasundo.  

            Ang Pawn Stars ay ‘di lang isang educational show kundi may halo rin itong entertainment. Ang mga bida rito kasi ay may kanya-kanyang character. Kagaya lang ni Old Man na laging sinusungitan ang mga kasama niya sa trabaho. Siya ‘yung tipo ng tao na istrikto palibhasa ay dating nagtatrabaho sa military. Matatawa ka naman sa kaengotan ni Chamley, sa hitsura pa lang ay matatawa ka na. Malaki itong tao na umaaktong parang inosente o nagpapaka-isip bata. Kung magtanong ay parang laging wala sa hulog. Lagi rin siyang pinagtitripan ng mga Harisson. Kapag may nabiling baril o pana ang mga ito ay siya ang laging pinapasubok ng mga ito.

           Bibihira lamang ang palabas na kagaya sa tema ng Pawn Stars kaya’t dapat lang na paglaanan ito ng oras ng mga manunood. Ang palabas na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga lumang bagay dahil binubuhay nitong muli ang kultura at kasaysayan ng nagdaang panahon para malaman ng bagong henerasyon. 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...