Skip to main content

Huseng Batute: Dakilang Makata


   Isa si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute na maipagmamalaki nating mga Pilipino sa larangan ng Panitikan. Nakaukit na sa dahon ng kasaysayan ang kanyang pangalan at hindi mapaparam sa paglipas ng panahon.

Isinilang siya noong Nobyembre 22, 1894 sa Sta. Cruz, Manila. Anak siya nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Siya ay kinilala bilang isang mahusay na makata, mang-aawit at artista noong kanyang kapanahunan. Wala diumanong dalaga noon na hindi malalaglag ang puso kapag siya ang tumutula o umaawit sa entablado dahil na rin sa kisig at ganda ng kanyang tinig. Subalit ang kanyang pag-ibig ay inilaan niya kay Asuncion Lacdan, ang kanyang naging asawa.

Bagama’t nagtapos si Jose Corazon dela Cruz ng abogasya, hindi siya kumuha ng pagsusulit sa bar. Mas pinili pa niya ang maging isang manunulat. May kolum siya ng mga tula sa Taliba noong 1920, ang Buhay-Maynila at dito niya ginamit ang sagisag na Huseng Batute. Nagkaroon din siya ng sariling kolum sa Liwayway, ang Mga Butlig ng Panahon. Nag-ambag siya ng mga tula sa Ang Mithi, Bagong Lipang Kalabaw at Sampagita. Hindi na mabilang ang kanyang tula sa dami. Likas na kay Huseng Batute ang pagka-romantiko kaya’t umaapaw sa dami ang mga tula ng pag-ibig na kanyang naisulat. Pinasikat niya ang tulang Ang Pamana, Ang Pagbabalik, at marami pang iba.

Si Corazon ay nakapag-aral din ng musika sa Unibersidad ng Pilipinas kung kaya’t maalam din siya pagdating sa musika. Bilang isang lirisista at mang-aawit, paborito siyang mahilingang gumawa ng titik para sa mga kilalang kompositor noon. Siyempre, kabilang na dito ang imortal na awiting Bayan Ko na naging makahulugan noong EDSA 1.

Nakapagsulat din si Corazon ng mga tulang may temang politikal. Isa siya sa mga nangungunang kritiko ng mga pulitikong sa palagay niya’y gumagawa ng kabalbalan. Ngunit alam ba ninyo na minsan ay nagnasa din siyang maging pulitiko? Ito ay nang kumandidato siya bilang presidente (tawag sa mayor noon) sa Sta. Maria, Bulacan noong 1928 sa ilalim ng Bagong Bayan (partidong lokal ng koalisyong Nacionalista-Democrata) subalit siya ay nabigo. Muli siyang sumubok tumakbo noong 1931 pero wala ding nangyari dahil sa maimpluwensya ang kanyang kalaban.

Nakapagsulat din si Corazon ng iskrip sa pelikula at siya rin ang gumanap dito, ang Sa Pinto ng Langit. Isinulat niya rin at nilabasan ang Oriental Blood kung saan ay nakatambal niya ang reyna ng kundiman na si Atang dela Rama.




Sadyang prolipiko at may dedikasyon si Corazon sa kanyang propesyon. Kaya nga lang ay nasobrahan. Mahilig kasi siyang magpalipas ng gutom, hindi siya agad kumakain bago o matapos ang pagtatanghal, kung kaya’t nagkaroon siya ng ulser. Pinayuhan siya ng duktor na ipatistis ang ulser subalit tumanggi ito. Isang araw ay nanigas na parang tabla ang kanyang tiyan at siya ay agad na namatay. Ito ay noong Mayo 26, 1932. Sa gulang na 37 ay binawian ng buhay ang dakilang makata.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...