Skip to main content

Tips Kung Paano Haharapin ang Child Tantrum


Ang pagresolba habang nag-aalburuto o nagta-tantrum ang maliit pang anak ay napakahalaga dahil ang maling pagharap dito ay maaaring makadagdag pa sa problema. Ang ilan sa dahilan nito ay kapag 'di ito kumportable o 'di kaya ay kapag may kinaiinisan. Pero ang karaniwang dahilan ay kapag mayroon isang bagay na gustong makuha. Dinadaan ito sa pag-aalburuto para agad na mabigyan ng pansin ng magulang o sinumang taga-pag-alaga.

Minsan ay nakatutuksong ibigay na lang ang hinihingi ng bata para matigil na ito sa pagsisigaw-sigaw at pag-iyak. Ang mahirap pa ay kapag sa pampublikong lugar ito nag-alburuto. Para nga matigil nga naman ang pag-aalburuto ay pagbibigyan na lang ito. Pero hindi tama ang ganito dahil imbes na sawatain ay binibigyan pa ng reward ang bata. Dahilan din ito para ma-spoiled ang bata, na lahat ng kanyang gusto ay dapat masunod at makuha. Maiisip tuloy ng bata na tama lang ang kanyang ginagawa para na rin makuha ang gusto.

Kapag natapos na ang pag-aalburuto ng bata lahat din ay babalik sa normal. Hindi makatutulong kung pagkatapos agad nito ay saka bibigyan ng reward ang bata. Umakto lang na parang walang nangyari para makita ng bata na lahat ay nananatiling normal. Makatutulong ito para ang bata ay maging kalmado. Makabubuting magpraktis kung paano sasabihin ang "hindi o ayoko." Umpisahan sa bahay ang ganitong paggawai para 'di na ito madala ng bata sa inyong paglabas. Dahil dito ay hindi na uugaliin ng bata na mag-alburuto dahil 'di naman epektibo ang kanyang gawain. Maaari niya rin itong ulit-ulitin pero kapag pinanghawakan mo ang pagsasabi ng hindi, sa huli ay ikaw pa rin ang panalo.

Dapat ding pag-usapan ng mag-asawa kung ano ang gagawin kapag nag-aalburto ang kanilang anak. Pareho dapat nang maging pagtugon dito. Dahil kapag kinunsinte ng isa ang anak ay madedebelop lang lalo ang ganitong pag-uugali. Dapat kakitaan ng bata ang kanyang mga magulang ng consistency para 'di na ito nangungulit pa. Kaya't mahalaga ang pagsusupurtahan ng mag-asawa sa paghrap sa ganitong situwasyon. Pero tandaang ang pag-aalbuto ay normal lang at parte ng pagiging bata. Bilang isang magulang ay isa itong magandang pagkakataon para maturuan ang anak kung paano lalabanan ang mga frustration na lagi niyang nararanasan sa halos araw-araw.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...