Ang lansones ay napakapopular at isa sa mga paboritong prutas ng marami dahil sa taglay nitong sarap. Maraming nakatanim na puno ng lansones sa bayan ng Quezon, Laguna at sa Mindanao. Ito ay karaniwang tumataas mula apat hanggang labing limang metro. Sa magkabilang sanga nito ay mayroong lima hanggang pitong dahon. Ang maliliiit na bulaklak nito ay makikita sa mga tangkay at sanga, at ang mga bunga nito ay kulay dilaw na kumpol-kumpol. Ang nasabing prutas ay mabulo, manipis pero matigas at makatas. Ngunit 'di lang basta masarap ang lansones dahil mayroon din itong katangiang medisinal. Ang pinatuyong balat ng lansones kapag sinunoig ay nagbibigay ng mabangong samyo anupa't ito ay nakapagbibigay ng maginhawang pakiramdam sa makaaamoy nito. Ang tinapyas na bahagi naman ng balat ng katawan ng puno ng lansones kapag pinakuluan ay mainam na gamot sa diarhea, bukod pa roon puede rin itong inumin para mawala ang lagnat....
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.