Pinag-uusapan ng mga netizen ngayon ang dating actress na si Mahal. Ito ay matapos na kumalat online ang kanyang mga larawan na may kasamang lalaki at animo’y sweet na sweet sila. Pinaniniwalaang ang lalaking kasama niya ang kanyang bagong boyfriend.
Dahil dito, maraming
netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon. Sa mga wala pa raw love life,
huwag mawawalan ng pag-asa dahil magkakaroon din kayo. Kung si Mahal nga
pumapag-ibig, kayo pa kaya?
Pero sabi naman ng iba,
maaaring gimik lang ito para maging maingay muli ang pangalan ni Mahal lalo na’t
wala ito na ito sa limelight. Well, kung anuman ang real score sa pagitan ni
Mahal at ng lalaki ay sila lang ang may alam noon. Pero wala namang imposible
sa pag-ibig, ‘di ba?
Si Mahal ay ilang beses
na ring naibalita dahil sa mga naging relasyon nito. Ang pinakasikat niyang
naging kasintahan ay ang namayapa nang singer na si Jimboy. Pero kinalaunan ay
naghiwalay din ang dalawa. Ginawan pa nga ito ng kanta ni Mahal na
nagpapasaring sa pagiging ‘di tunay na lalaki nito.
Panoorin ang video: