Ang pag-iipon ng pera
ay isang magandang gawain dahil magagamit mo ito sa oras ng pangangailangan o ‘di-kaya’y
kapag may gusto kang bilhin. Kung malaki-laki ang naipon mo ay magagamit mo pa
ito sa negosyo. Kaya naman nauuso ngayon ang ipon challenge. Mayroong ang iniipon
ay tigbi-bente o sengkuwenta pesos at meron din namang pabarya-barya lang. Ang
nakabibilib ay napapaabot nila ang kanilang ipon ng libu-libo.
Usap-usapan ngayon sa
social media ang mag-partner na sinaYona Abella at Kit Cunanan dahil nag-iipon
sila ng mga barya para makaipon ng isang milyong piso. Napakahirap kung iisipin
dahil sobrang daming barya ang kailangan dito bago makaipon nang nasabing
halaga. Pero determinado ang mag-partner na gawin ang challenge. Makikita sa
picture na ipinost sa Fb account ni Yona na bumuo pa sila ng kanyang partner ng
salitang P1 M! gamit ang mga barya.
Mga larawan mula sa FB account ni Yona Abella |
Iba-iba ang naging
reaksyon ng mga netizen sa naturang challenge. Mayroong naniniwala na magagawa
nila ito at may mga nai-inspire pa nga sa kanila na mag-ipon din. Pero mayroon din namang nagsasabi na malabo
itong mangyari. Paano na lang daw kung mayroong emergency, eh ‘di magagastos
din nila ang kanilang ipon. May nagpapaalala rin sa kanila hinggil na ang
tungkol sa batas na nagbabawal sa pag-hoarding ng mga barya.
Ikaw, kaibigan, kakasa
ka ba sa ganitong challenge? Kung oo, umpisahan mo nang mag-ipon ng mga barya!