Hanggang ngayon ay
patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi ng mga tropa ng pamahalaan laban sa Maute
Group. Marami-rami na ring nalagas na buhay sa magkabilang panig. Pero sa
kabila ng panganib na kinahaharap ng ating mga sundalo ay nagagawa pa rin
nilang magpakuwela o magpasaya sa mga tao.
Maraming netizens ang
natuwa sa ipinaskila na pictures na FB page na Scout Ranger Books kung saan
ipinapakita nito ang isang sundalo na gumagamit ng higanteng tirador. Ayon sa
caption, ito raw ang totoong version ng Angry Birds. Sa kanila naman ay Angry
Ranger.
Pero ‘di bato ang
iniitsa ng higanteng tirador kundi granada. Ginagamit nila ito kapag may
papasuking building amg isang Scout Ranger unit. Pinapaulanan muna ni Angry
Ranger ng granada ang building para ma-detonate ang mga IED na nandun. Alam kasi
ng mga sundalo na itinanim o ikinalat ng mga terorista ang mga IED kung
saan-saan.
Ayon pa rin sa Fb page
na na-post ng naturang mga larawan ay marami nang nailigtas na buhay si Angry
Ranger. Nakakatuwa ‘di ba?