Viral: Sa gitna ng agam-agam sa Martial Law, mga taga-Mindanao nag-selfie sa harap ng tangke ng mga sundalo
Photo credit: Lousie Espadera |
Dahil sa pagkubkob at
panggugulo ng Maute Group at ng Bansangmoro Freedom Fighters (BFF) ay nagdelekra
ng Martial Law sa buong Mindanao ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay para
mabilis na masugpo ang mga nasabing bandido. Bunsod nito ay umani ng iba’t
ibang reaksyon ang naging desisyon ng pangulo. May mga naniniwala na paraan
lang ito ng pangulo para maisakatuparan ang pagkakaroon ng batas-militar sa
buong bansa. Samanatalang ang iba naman ay natatakot na muling maulit ang nangyari
noon sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan maraming nalabag
na mga karapang-pantao.
Pero habang kabi-kabila
ang debate online, kasabay naman nito ay nag-viral ang mga kuhang larawan ng
Facebook user na si Lousie Espadera kung saan makikita ang ilang mga
taga-Mindanao na nagpapa-picture pa sa harapan ng tangke kasama ang ilang
sundalo. Tila ba nagpapahiwatig na suportado nila ang pagkakaroon ng Martial
Law sa kanilang lugar. Mistula tuloy naging instant celebrity ang mga sundalong
tumutugis ngayon sa mga bandidong grupo.
Photo credit: Lousie Espadera |
Bagama’t may mga
tumututol sa pagdi-deklara ng Martial Law ng pangulo sa Mindanao ay mayroon din
namang mga naniniwala na tama ang naging desisyon ng pangulo. Kinakailangan
diumano ng kamay na bakal sa ganitong klase ng situwasyon. Lalo na’t ang mga
bandedong grupo ay walang sinasanto. Iginiit din nila na ito naman ay naaayon
sa batas na kapag may nagaganap na rebelyon ay maaaring isailalim sa Martial
ang isang lugar o maging ang buong bansa.
Sa ngayon, sinasabi ng military
na kontrolado na nila ang buong Marawi City at patuloy na inuusig ang mga
bandidong grupo.