Mainit ngayon na pinag-uusapan ang pagpapaliban sa barangay election ngayong taon. Huli itong isinagawa noong 2013. Balak kasi ng pamahalaan ni Duterte na huwag na munang matuloy ang barangay election para makatipid ang gobyerno. Kapag 'di ito natuloy maaaring ang mga mayor na lang ang pumili ng kanilang magiging kapaitan sa isang barangay.
Marami ang 'di sang-ayon sa balak na ito ng pamahalaan dahil lubhang delikado. Ayon kay sa dating senador na si Nene Pimentel ay nakakabawas ito sa demokrasya. Ginawa na ito noon ni Pangulong Ferdinand Marcos.Hindi naman daw lagat ng nasa LGU o ang mapipiling barangay captain ay matitino. Apatnapu't porsiyento nga raw sa mga barangay captain sa bansa ay sangkot sa iligal drugs. Maging ang ilang kaalyado ni Pangulong Duterte ay tutol din dito. Katulad ng senador na si JV Ejercieto, inaasahan daw ng mamamayan na matutuloy ang barangay election kaya't dapat lamang ito na isagawa.
Maaaring mabuti ang layunin ng gobyerno sa pagpapaliban ng barangay election. Pero mas maganda na hayaan natin na ang mga tao ang mamili kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanilang mga barangay. Paano kung gusto na nilang palitan ang kanilang kapitan? Tapos ang kapitan na ito ay dikit kay mayor o kung sino mang maghihirang sa kanila. Eh, 'di wala na. Kailangan pa nilang pagtiisan ang kanilang barangay captain na isinusuka na nila. Saka alam naman natin ang sistema ng pulitika sa bansa ay 'kumpadre system'. Paano kung ang mga barangay captain na hinirang na mayor ay magbalik ng utang na loob. Siyempre, ang dadalhin nila sa local election ay ang humirang sa kanila? O, 'di ba ang saya-saya?