Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang post ng isang Facebook user na nagngangalang Pablo Reyes dahil sa kontrobersyal nitong pahayag noong December 2015.
Nahulaan diumano ni Reyes angpagkamatay nang malalaking personalidad gaya nina Muhamad Ali, Kimbo Slice, Prince at pati na rin ang pagkakaroon ng mass shootout sa Amerika na maiiugnay sa katatapos lang na walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa isang bar sa Orlando, Florida kung saan ay nasa limampung katao ang namatay na ang karamihan ay mga miembro ng LGBT.
Kabilang din sa prediksyon ni Reyes ay magkakaroon nang kauna-unahang babaeng presidente ang Amerika sa katauhan ni Hilary Clinton. Samantalang papanaw diumano ang katunggali nitong si Donald Trump.
Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga nakabasa sa naging post ni Reyes. Mayroong mga naniniwala sa kanya. Mayroon din namang mga nagpahayag na ito ay isang lamang hoax dahil edited lang diumano ang post na ito ni Reyes. Anila'y nagpapapansin lang ang taong ito. Malabo siyang maging Nostradasdamus ng bagong panahon.
Ang orihinal at edited diumano na post ni Pablo Reyes |