Pinaalalahanan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno si presumptive-elect President Rodrigo Duterte na maghinay-hinay lang sa plano nitong pagpapanumbalik sa death penalty. Hindi niya ito puwedeng ipatupad nang basta-basta dahil nangangailangan ito ng aksyon ng Kongreso. Ito ang naging reaksyon ni Sereno hinggil sa sinabi ni Duterte na plano nitong ipatupad ang death penalty sa mga henious crimes gaya ng rape, robbery atbp. Kung mangyari ito, nakikita raw ni Duterte na nasa limampung kriminal ang bibitayin kada-buwan. Ayon kay Sereno, kailangang maging makatotohanan si Duterte sa kanyang plano. Dapat muna nitong pag-aralan kung paano tumatakbo ang legislative process bago nito ipatupad ang pagpapanumbalik ng death penalty sa pamamagitan ng pagbitay. Sa kabilang banda, tiwala ang mga kaalyado ni Duterte na magagawa niya ang pagbabagong nais nitong mangyari sa bansa kabilang na rito ang pagpapanumbalik ng death penalty. Sa ngayon daw kasi ay sila na ang super majority sa Ko...
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.