Minaliit ng mga taga-suporta ni Mar Roxas ang bilang ng mga dumalo sa political rally ni Mayor Rodrigo Duterte, pambato ng PDP Laban. Ayon kasi sa kanila, 'di totoo na nasa isang milyong katao ang dumalo sa rally ni Duterte.
Ayon sa mga taga-suporta ni Mar Roxas, naglabas ng datos ang Philippine National Police (PNP) ng bilang ng mga taong dumalo sa kani-kaniyang rally ng predentiables. Lumalabas na si Roxas diumano ang may pinakamadaming bilang ng mga dumalo. Tinatayang ito ay nasa 150 thousand na katao. Samantalang si Duterte ay nasa 140 thousand lamang. Sinundan ito ni Grace Poe na dinaluhan ng 12 thousand katao. Habang si Binay naman ang may pinakamababa atendee na dinaluhan lang ng 10 thousand na katao.
Sinabi pa ng ilan sa taga-suporta ni Roxas, na ipagpalagay ngang maraming dumalo sa rally ni Duterte sa Luneta. Wala pa rin namang kasiguruhan kung siya na nga ang magwawagi sa mga presidentiable. Alalahanin diumano ang nangyari kay Brother Eddie Villanueva na napuno noon ang Luneta nang tumakbo ito sa pangpanguluhan. Bagama't maraming taong dumalo sa kanyang political rally ay 'di pa rin ito nanalo.
Samantala, ayon naman sa mga taga-suporta ni Duterte, tiwala sila na mananalo ang kanilang manok. Pinagtawanan at ipinagkibit balikat lang nila ang datos na ipinapakalat ng mga taga-suporta ni Roxas. Kitang-kita naman diumano na mas dinumog ang political rally ni Duterte sa Luneta kumpara sa rally ni Roxas sa Memorial Circle. Talagang desperado na raw ang mga taga-LP dahil ipinabungkal pa ng gobyerno ang Quirino Grandstand. Pero wala naman daw epekto ang hakbang nilang ito dahil dumagsa pa rin ang maraming taga-suporta ni Duterte
Nagkakaisa naman ang taga-suporta nina Duterte at Roxas na magkaalaman na lang sa Mayo 9 kung sino ang pipiliin nang mas nakararaming botante.