Tinawag ni Presumptive President-elect Rodrigo Duterte ang Simbahang Katoliko na pinaka-hipokritong institusyon sa harapan ng mga media sa Davao. Ito ang kanyang naging banat sa mga bumubuo ng Catholic Bishop's Conference of the Philippine na nanawagan na huwag siyang iboto noong May 9. Matatandaang bago mag-eleksyon ay ikinampanya ng ilang mga opispo na huwag iboto ang kandidatong mayroong mababang moral, walang respeto sa karapatan ng iba at wala ring respeto sa Simbahan. Bago ito, nauna nang binatikos ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archibishop Socrates Villages si Duterte dahil sa pagmumura nito kay Pope Francis dahil sa trapik na naging sanhi ng kanyang pagbisita noong buwan ng Enero. Binatikos din nang nasabing arsobispo si Dutere dahil sa naging pahayag nito hinggil sa pagpatay sa mga kriminal. Ayon kay Duterte, ang eleksyon ay nagsilbing referendum sa pagitan niya at ng Simbahang Katoliko. Aniya, "Sabi ko, this will be a referendum kung sinong tama s
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.