Kinumpirma ni Bongbong Marcos, tumatakbo bilang bise presidente na ang nakipagkita siya kay INC Prime Minister Eduardo Manalo. Pero hindi niya ibununyag kung siya na nga ba ang susuportahan ng pamanuan ng Iglesia sa darating na halalan.
Ayon kay Bongbong, marami silang napag-usapan ni Ka Eduardo. Kung sino diumano ang dadalhin ng Iglesia ay sila na ang bahalang mag-anunsiyo nito sa publiko.
Nauna nang bumisita ang iba pang kandidato sa Central Temple na nagsisilbing main office ng INC. Kabulang na rito ang mga presidential candidate na sina Manuel Roxas II, Senator Grace Poe, Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Bali-balitang iba raw ang nangyari kay Marcos dahil siya mismo ang pinatawag ni Ka Eduardo sa pamamagitan ng staff nito. Inimbitahan siya diumano ng pamunuan ng Iglesia na magtungo sa kanilang head office. Hindi kagaya sa ibang mga kandidato na sila ang kusang pumunta sa Central Temple para bisitahin si Ka Eduardo.
Ayon kay Marcos, matagal na silang magkakilala ni Ka Eduardo kung kaya't maganda ang relasyon niya rito. Naging taga-suporta rin ang INC nang kanyang namayapang ama na si President Ferdinand Marcos.
Si Marcos ay kasalukuyang nangunguna sa isinagawang malalaking survey firm sa pagka-bise presidente ng Pulse Asia at SWS. Sinundan naman siya ng pambato ng Liberal Party na si Lani Robredo. Kasabay nito, marami nang kasapi ng INC ang nagpapahayag nang kanilang suporta kay Marcos. Hudyat na kaya ito na siya na ang dadalhin ng organisasyon sa May 9 election?
(Source: rappler.com)