Photo Credit to gmanetwork.com Painit nang painit ang palitan ng maanghang na salita sa pagitan nina vice-presidential candidate Antonio Trillanes III at presidential candidate Rodrigo Duterte. Ito ay matapos banatan ni Trillanes si Duterte na mayroong diumano itong itinatagong bilyong pisong yaman sa kanyang bank account. Pinagbantaan pa ni Trillanes na ipapa-impeach niya si Duterte kung sakaling manalo ito sa pagka-pangulo. Agad naman itong sinagot ni Duterte at sinabing handa siyang buwagin ang Kongreso kung ipapa-impeach nga siya ni Trillanes. "Pag i-impeach ako, sabi ni Trillanes, eh 'di isara ko 'yang Congress. Eh, 'di wala nang mag-impeach sa akin," sabi ni Duterte sa kanyang political rally sa Bataan noong Huwebes. Binanggit pa ni Duterte ang dating Pangulong Ferdinand Marcos na iba naman ang panahon ng Martial Law. Ang sa kanya naman, bubuwagin niya ang Kongreso dahil gusto siyang patalsikin ng mga ito. Wala diumanonng magagawa an
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.