Napag-alaman na ang nang-hacked ng Twitter account ni
Maine ay ang grupong Anonymous Philippines. Nag—Tweet pa nga ang nang-hack sa
account ng dalaga at nagsabing, "Sorry
po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na
may-ari..." Umaasa ang mga
fans ni Maine na ibabalik nga ng hacker ang Twitter account nito gaya nang
sinabi nito.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit dalawang milyong
followers si Maine sa Twitter. Ipinagpapalagay ng marami na ito ang dahilan
kung bakit hinacked ang kanyang Twitter account. Maliban sa pagsasabing
isasaoli rin ang account ni Maine, may ilang serye na rin ng Tweets ang
nai-post ng hacker na nagpu-promote ng paglaban sa corruption.
Ang Anynomous Philippines ang nasa likod ng mga serye
nang pagha-hack sa ilang government sites kabilang na rito ang National
Telecommunications Commission (NTC)
dahil sa kawalan nito ng aksyon para mapabilis ang internet connection sa
Pilipinas.