Skip to main content

Mga Sintomas ng Malaria


Ang malarya ay kasing mapanganib ng sakit na dengue dahil nakamamatay ito. Kung ang dengue ay inihahatid ng lamok na tinatawag na aedes aegypti, na umaatake sa araw, ang malarya naman ay dala ng babaing lamok na anophele, na karaniwang umaatake sa gabi. Ang ganitong lamok ay namamalagi sa masukal na lugar at maging sa maruming kapaligiran. Mapupunanang kapag kumakagat ito ay nakataas pa ang dalawang paa sa likod. Laganap ang malarya sa mga liblib na lugar.

Ang malarial parasites ay dahilan ng pagkakaroon ng malarya. Dumadaloy ito sa dugo at pumapasok sa red blood cells. Ang rbc ay lumalaki at dumadami hanggang sa pumutok. Kapag pumutok ito ay kumakalat ang malarial parasite at pumapasok din sa iba pang rbc. Sabi ng mga duktor ay mayroong apat na uri ng malarial parasite at ang mga ito ay ang plasmodium vivax, plasmodium ovale, plasmodium malariae at ang plasmodium falciparum. Dito sa ating bansa ang nabanggit na huli ang pinakalaganap at pinakamalala.

Ngunit anu-ano nga ba ang sintomas ng pagkakaroon ng malarya? Nagsisimula ito sa trangkaso, makararamdam ng sakit ng katawan, ubo at sipon, sakit ng ulo at masususndan ng pagtaas ng lagnat. Pagkaraan ng ilang oras pagpapawisan nang husto at maya-maya lang ay mawawala na ang lagnat. Kinakailangang magamot agad ito dahil mauuwi sa maraming komplikasyon. Maapektuhan nito ang iba't ibang parte ng ating katawan. Halimbawa, sa kidney mapapansing nag-iiba ang kulay ng ihi, nagiging kulay pula dahil nga sa dami ng nasisirang rbc. Apektado rin ang utak kaya't nag-iiba ng ugali ang taong may malarya at minsan pa ay hindi nakakakilala ng mga dati nang kakilala. Isa pa, nahihirapang dahil sa hindi maayos ang daluyan ng hangin sa baga. Nasisira rin ang atay, mapapansing naninilaw ang mata dahil ang atay din ay puntahan ng malarial parasdites kaya't nasisira ito.

Kapag tinamaan na ng malarya ay puwede pa itong maulit kapag nakagat uli ng lamok na nagdudulot ng malarya. Kaya't kinakailangan ng ibayong pag-iingat at para maiwasan ito ay maging malinis sa kapaligiran. Tiyaking may takip ang imbakan ng tubig para 'di pangitlugan ng lamok. Siyempre, kapag nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas magtungo agad sa hospital para maagapan nang hindi na mauwi pa sa komplikasyon at kamatayan.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan. Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa. Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan. Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte. Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine....