Inuulan ng batikos
ngayon ang Comelec sa bayan ng Marikina, ito ay matapos kumalat sa social media
ang video ni Kim Chiu na diumano’y binigyan nila ng VIP treatment habang ito ay
nagpaparehistro noong nakaraang Oktubre 27. Ang video ni Kim Chiu ay unang nai-post
sa Kupal Lord Facebook page.
Inirireklamo nang nagpakilala sa
pangalang Fred L. ang Comelec, Marikina dahil sa pagbibigay ng espesyal na
pagtrato ng mga ito sa isang artista. Ayon sa kanya, matagal na naghintay ang
mga tao para lang makapagrehistro. Noong nagsisimula na ang processing ay
biglang dumating si Kim Chiu at ‘di na nila ito pinapila pa. Nakaaawa diumano
ang mga taong matiyagang naghihintay para lang makapagrehistro lalo na ‘yung
mga senior citizen. Parang itinaboy ng mga taga-Comelec ang mga tao para lang
paunahin ang nasabing artista.
Nanawagan si Fred L. sa Comelec
Chairman na ayusin nito ang kanilang mga tauhan. Hindi porke’t artista ang
nagpaparehistro ay ‘di na nila ito kailangan pang papilahin.
Pero
ayon sa ibang netizen, wala naman diumanong masamang ginawa ang Comelec Marikina.Maaari kasing pinauna lang nila si Kim Chiu dahil pagkakaguluhan ito
ng mga tao. Kaya’t ‘di rin makakapila ito nang maayos kapag nagkaganun. Hiling
pa nila, sana ay huwag nang palakihin pa ang isyu.
Panoorin ang video:
GALAWANG ARTISTA = GALAWANG VIP
GALING SA INBOX: KAPAG ARTISTA, PWEDE NA LAHAT!Nangyari ang insidenteng ito noong oktubre 27, 2015. Matagal naghintay ang mga tao sa isang lugar sa Marikina para makapag parehistro sa darating na botohan. Noong nag sisimula na ang processing, may biglaang dumating na artista itago na lang natin sa pangalang "Kim Chiu" (hahaha) So ayun dahil artista nga hindi nya na kailangan pumila. Nakakaawa yung mga taong naghintay makapag parehistro ng maaga lalong lalo na yung mga matatanda parang tinaboy lang para paunahin si Tsinita Princess. #OnlyinthePhilippines"Pag artista ka di ka na kailangan pumila!!! dito lang yan sa comelec marikina.Pati senior citizens kawawa sa kanila. Comelec chairman ayusin mo naman mga bata mo."- Complainant (Fred L.)
Posted by Kupal Lord on Wednesday, 11 November 2015