Skip to main content

Alyas Boy Tattoo


"Ano pare, astig ba?," tanong ni Goyong sa bagong nalagyan niya ng tattoo.

"Ah, oks nga pre, ang galing mo talaga! Salamat sa paglagay ng bungo sa balikat ko, ha," sagot naman nito sabay abir kay Goyong.

Si Goyong alyas Boy Tattoo ay kilalang tatoo artist sa kanilang lugar. Bata pa lang siya ay mahusay na talagang mag-drowing. Minsan ding nahilig sa paglalagay ng graffiti sa pader. Nang tumagal ay natutong mag-tattoo dahil naisip niyang maaari siyang makapag-wan ng marka sa mga tao kaya't 'di sila malilimutan ng mga ito. Hindi na mabilang kung ilan na ang nagpa-tattoo sa kanya. Mapalalake man o babae, mula kabataan hanggang sa matatanda lahat ay tiwala sa kanyang husay. Ayos nga lang kahit libre basta sagot mo lang ang pambili ng karayom at tinta. De-makina man o manu-manong pagtatattoo ay kayang-kaya niya. Babae ang pabotitong kostumer ni Goyong dahil nakakatsansing nga naman siya sa dibdib, sa hita o 'di kaya'y sa pigi ng mga ito. Pero hanggang pagtatattoo ang siya, ayaw niyang mang-harass dahil baka mademanda pa siya.

Iba-iba ang motibo kung bakit sila nagpapa-tattoo kay Goyong. Ang iba para maging macho ang dating, meron ding para katakutan lang ng iba. Meron din namang for the sake of arts at merong para subukin ang kanyang tapang at meron ding trip lang. Ni hindi nila naiisip na habambuhay na itong nakamarka sa kanilang katawan. Pakiramdam nila ay parang kinalkal ang kanilang balat dahil sa lalim ng pagkakabaon ng karayom. Pero bawat dugong lumalabas sa kanilang balat ay sumisimbolo diumano sa kaniang sakripisyo.

Siyempre, pahuhuli ba naman si Goyong? Siya mismo ay tadtad ng tattoo kung saan-saang parte ng katawan. Para saan ba at naging tattoo artist siya kung wala siyang tattoo? Eh, 'di walang maniniwala sa kanya at pagtatawanan lang siya ng mga kapwa niya tattoo artist. Dahil sa tattoo ay nakick-out siya sa pampublikong paaralan na kanyang pinapasukan noong siya ay nasa haiskul pa lang. Mabuti na lang at may tumanggap pa sa kanya sa isang pribadong paaraan kaya't naituloy niya ang kanyang pag-aaral.

"Hayup ka, Goyong!'" ang text sa kanya ni Robert na noong isang buwan lang ay nagpa-tattoo sa kanya.

Sinisisi siya nito, ang dahil kasi sa tattoo ay hindi ito natatanggap sa inaaplayang trabaho. Ayaw kasi ng mga employer sa aplikanteng may tattoo dahil sa tingin nila ito ay agresibo, maduming tingnan at ex-convict. Gayung ang tatto sa sa mga ex-convict ay itim samantalang colored naman ang kay Goyong. Nagalit si Goyong sa nagtext sa kanya at sinabing huwag siyang sisihin dahil ginusto naman niya ito. Ang totoo niyan ito rin ang naging problema ni Goyong, dahil din sa tattoo ay 'di siya natatanggap sa trabaho. Kaya minabuti na lang niyang gamitin ang husay sa pagdro-drowing para pagkakitaan.

May mga nagpatanggal na rin ng tattoo sa kanyang mga binurdahan. Ang may pera ay nagpabura sa pamamagitan ng laser at ang walang pera ay dinaan na lang sa pagplaplantsa sa kanilang katawan, ayun naging keloids! Pero kahit nabura na ang kanilang mga tattoo ay nanduon pa rin ang bakas. Wala na ang maayos at malinis nilang balat. Laging sinasabihan si Goyong ng kanyang ina na tigil na ang pagtatattoo dahil marami na raw siyang sinirang buhay. Tulad ng nagreklamo sa kanya na nare-reject sa trabaho dahil nga sa tattoo. Pero isusuko ba naman niya ang kanyang hilig at itinuturing pa man ding isang sining? Ano sila hilo, isip-isip ni Goyong. Nasa gayun siyang pagmumuni-muni anng makaramdam ng matinding antok kaya't bigla siyang natulog. Nakarinig siya ng isang malaking tinig pero 'di niya makita kung sino ang nagmamay-ari nito. Nagpapasalamat ang tinig dahil binigyang buhay daw siya ntio. Hinanap niya kung saan nagmumula ang tinig. Laking gulat niya nang magpakita ang ian ghalimaw. Mabalahibo ang katawan nito, mayroong sungay at pulang-pula ang mga mata. Gusto niyang tumakbo pero 'di siya makaalis mula sa kanyang kinatatayuan. Pero mas nagulat siya nang lumapit sa kanya ang halimaw at saka sinakal siya nito. 'Di siya makahinga at naisip niyang ito na ang kanyang katapusan. Narinig ng ina ni Goyong na umuungol siya kaya't sinampal niya ito para magising. Napagtantong ni Goyong na panaginip lang ang lahat. Pakiramdam niya kasi ay parang totoo.

Kinabukasan ay may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay, si Jade na matagal na niyang hinihimok na magpatattoo sa kanya. Sa mga barkada niya ito na lang kasi ang 'di nagpapalagay ng tattoo. May dala-dala pa itong magasin na puno ng iba't ibang klaseng drowing. 'Di alam ni Goyong kung matutuwa ba siya dahil sa wakas ay naisipan ng magpatattoo ni Jade. Naiisip pa rin kasi niya ang kanyang masamang panaginip. Itinuro ni Jade ang gustong ipatattoo sa kanya sa dalang magasin. Nanlaki ang mga mata ni Goyong dahil ang napiling disenyo ni Jade ay kamukhang-kamukha ng halimaw sa kanyang panaginip. Pasumandali siyang napatulala at sa unang pagkakataon ay may tinanggihan na siya sa mga gustong magpa-tatto sa kanya. Umalis na lang ang kanyang barkada dahil sa inis. Wala na ang barkada niya pero nakatattoo pa rin sa isip ni Goyong ang mukha ng halimaw...

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan. Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa. Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan. Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte. Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine....