Skip to main content

Water Vendo Business


 Kung inaakalang  mga softdrinks, kape, tsirtsirya lang ang mayroon sa vendo machine aba’y huli ka na sa balita. Dahil mayroon na ring water vendo machine  na naglalabas ng malinis na tubig para  sa mga nauuhaw. Ngunit hindi lamang ito basta ordinaryong vendo dahil ito mismo ang dumadalisay sa tubig sa pamamagitan ng mga aparatus na nakakabit sa loob ng vendo. Ang NASA Water Corporation ang pinakamalaking kumpanya at nangunguna sa larangan ng water vendo machine  ang nagpalaganap nito sa  bansa. Bukas sila sa mga nais mag-franchise na taga-Metro Manila.    

    Ang NASA ay may sampung taon nang nag-ooperate sa Pilipinas. Ayon kay Vilma Coronel, Marketing Head ng nasabing kumpanya, nagmula ang teknolohiyang ito sa Amerika. Nakita ito ng may-ari na isang Singaporian at naisip niyang dalhin ang ganitong sistema sa atin. Pumatok naman ito sa mga Pinoy at ngayon ay kalat na kalat na ang kanilang mga vendo. Karamihan sa mga ito ay ang kumpanya mismo ang nagpapatakbo. Katulad ng ibang vendo machine ay madali lang din itong gamitin. Magdadala lang ng lalagyan ang bibili. Maghulog lang  ng barya saka pumindot, presto lalabas na ang tubig mula sa vendo. Ganun lang kasimple. Piso at sampung piso lang ang puwedeng ihulog. Kaya wala ng sukli-sukli.

    Sinabi ni Coronel na direktang nakakabit sa kanilang vendo ang tubig galing man sa Nawasa o sa Maynilad. Kahit nga galing pa sa deep well ay uubra rin. Pitong bahagi  diumano ang pagsalang pinagdadaan nito sa ilalim ng  tinatawag na  ‘reverse osmosis process’ kung saan ay 99.9%  na namamatay ang bakterya sa tubig. Kaya’t makasisigurong malinis at ligtas ang tubig ang inilalabas ng kanilang vendo. Ayon pa kay Coronel, base sa isinagawang  pag-aaral ng mga eksperto lumalabas na ang tubig na iniinom mula sa gripo ay hindi malinis kaya’t kinakailangan talaga itong salain. Pinapakuluan pa nga ng iba bago ito inumin. Ngunit pagdating sa kanila ay konting halaga lang at mayroon ka ng malinis na inumin. Mas matipid diumano ito kaysa naman maospital pa dahil sa pag-inom ng maruming tubig.

    Para sa NASA ay hindi lamang ito basta isang negosyo. Naniniwala silang kalakip din ng kanilang ginagawa ang pagkakaroon ng social responsibility. Kung kaya’t inilalapit nila ang kanilang mga vendo sa komunidad para mapagkalooban ang mga ito ng malinis na inumin. Nakapuwesto ang kanilang mga vendo sa condominium, eskuwelahan, boarding house, subdibisyon at kung saan pang matataong lugar. Maliit lang ang puwesto ng kakainin ng vendo, nasa 1 meter x 1 meter.

    Kung ikukumpara mo ang presyo ng water vendo sa mga water station ay ‘di hamak na mas mura sa kanila. Ang presyo ng tubig sa kanila ay 25 kada 5 galoon samantalang sa water station ay nasa 45 pesos kada 5 galoon. Maganda itong maging negosyo dahil wala itong pinipiling panahon. Ang malinis na tubig ay kasama sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Cash to cash basis ang bayad dahil nga hinuhulugan lang ng barya. Kahit walang tao na nagbabantay ay tumatakbo ang negosyo. ‘Di na rin kailangan pa ng imbentaryo. Bente kuwatro oras din itong nakabukas kaya’t mabilis ang return of investment. Walang puproblemahin sa machine dahil  lingguhan kung ito ay puntahan ng mga taga-maintaince ng NASA.


    May kasabihan na ang tubig ay buhay pero sa negosyong water vendo tiyak na mabubuhay! 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...