Ang balakubak o dandruff ay mga patay na tissue sa anit na
nagkabitak-bitak. Kung tutuusin lahat naman ng tao ay naglalabas ng patay na
tissue sa katawan. Mas matindi nga lang ang paglabas nito sa taong
binabalakubak.
Mayroong dalawang klase ng balakubak ito ay ang oily at dry
dandruff. Kumakati ang balakubak dahil nagtataglay ito ng fungus na tinatawag
na P. Ovale. Ang iba para mawala ang balakubak ay dinadaan na lang sa
pagkakamot. Samantalang ang iba ay ipinapagpag na lang. Pero madali lang naman
na ito ay maiwasan. Panatilihin lang lagi na malinis ang buhok para hindi
magkaroon o dumami ang mga patay na issue sa anit.
ung ikaw naman ‘yung tipo ng tao na oily ang buhok ay
bawas-bawasan angpaggamit ng shampoo. Maganda lamang ang madalas na paggamit ng
shampoo sa mga dry ang buhok. Siyempre, kung magsha-shampoo rin lang ay piliin
na ang mga produktong mayroong anti-dandruff. O ‘di kaya ay gumamit ng gugo na
kilalang pantanggal ng balakubak.
Ayon sa mga eksperto, ang labis na pag-iisip sa problema ay
nakapagududulot din ng balakubak. Kaya’t panatilihinng kalmado lagi ang sarili
kahit pa maraming mga problema. Maging ang pagpupuyat ay isa ring salik sa
pagkakaroon ng balakubak. Kaya’t tiyaking husto lagi ang ginagawang pagtulog sa
araw-araw.
Bawas-bawasan din ang paggamit ng hair spray at styling
gel. Kapag nasobrahan kasi sa langis ang anit o buhok ay magdudulot lang ito ng
balakubak. Nakatutuyo naman ng anit kapag nasobrahan sa paggamit ng artipisyal
na pangkulay ng buhok. Nakatutulong naman ang pagbibilad ng ulo sa araw dahil
nakapagpro-prodyus ito ng Vitamin D sa buhok. Huwag nga lang sosobra sa
pagbibilad sa araw dahil masama na ang epekto nito. Ika nga maging balanse
lang.
Ugaliin ding kumain ng mga pagkaing mayaman sa zinc,
B-complex at fatty acids.