Maraming dahilan kung bakit lumalabo ang ating mga mata. Ilan
sa mga aspeto na nakapagpapalabo sa paningin ay ang masyadong pagka-exposed ng
mga mata sa araw. Nariyan din ang usok mula sa mga sasakyan at mga alikabok na
sa tuwina’y pupamapasok sa ating mga mata. Hindi rin mawawala ang sobrang
pagtutok sa kompyuter at ang pagbabasa kahit nasa madilim n lugar. Kapag
tumatanda na rin ang isang tao ay lumalabo na rin ang paningin nito. Ngunit ano
ba ang dapat na gawin para maging malinaw ang ating mga mata?
Kinakailangan nating kumain ng mga pagkaing mayaman sa
Vitamin A, B, C, D at E. Dahil ang mga nutrients na ito ay makatutulong ng
malaki para maging malinaw ang ating paningin. Ugaliing kumain ng mga pagkaing
mayaman sa beta-carotene gaya ng carrot, kale at spinach dahil ang mga ito ay
lumalaban sa pagkasira ng mga muscle sa mata. Mainam din ang pagkain ng mais,
grean peas at iba pa. Ang mga pagkaing nabanggit ay mayroong lutein at
zeaxanthin, isa ring uri ng carotenoids na lumalaban sa pagkakaroon ng katarataka
at pagkasira ng mga mata. Importante rin ang pagkaing lutein na matatagpuan sa
egg yolks. Ang mga taong kumakain ng pagkaing mayroong carotenoids ay mas
nakaiiwas sa pagkasira ng mata. Base sa pag-aaral, ang mga taong may
edad mula 40-59 na kumakain ng pagkaing mayaman sa naturang nutrisyon ay mababa
lang ang porsiyento para magkaroon ng pagkasira ng mga muscle sa mata.
Mahalaga rin ang mga pagkain mayaman sa zinc tulad ng mga
dairy products basta’t siguraduhin lang na ito ay sariwa. Bukod dito ay
mainam din ang pagkain ng tuna o ng mga sardinas na mayaman sa Omega 3 dahil
kilala ito para sa nakakapagplinaw at nakapagpapalusog ng mga mata. Mainam din
ang pagkain ng citrus fruits, broccoli, green peppers at patatas dahil ang mga
ito ay mayaman sa Vitamin C na lubhang kinakailangan ng ating katawan kabilang
na nga ang mga mata. Kumain din ng blueberries dahil ito ay
nakakapagtanggal ng pagkapagod ng ating mga mata. Sa kabilang banda naman
ay iwasan ang mga pagkaing masyadong naluto sa mantika dahil ang mga ito ay
maaring maapekto sa ating paningin. At ang isa pang importante ay ingatan ang
ating mata lalo na’t ito ang sinasabing bukal ng buhay!