Skip to main content

Kaalaman Tungkol sa Diabetes

        
        Lubhang matamis ang asukal pero hindi sa mga taong may diabetes.  Dahil ang labis na pagkahilig sa matatamis ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha ang sakit na ito.

          Kapag ang tao ay may diabetes, ang lapay niya ay hindi gumagawa ng sapat na insulin. Ang asukal sa dugo ay hindi nakakaraan sa mga selula para magamit. Ibig sabihin, ang asukal na nasa katawan ay hindi nasusunog para gawing enerhiya. Dahil sa pagtaas ng antas ng asukal na ito ay napupunta sa bato at sumasama sa ihi ay tinatawag na ketone. Ang ketone ay ang mga sangkap o produkto na hindi na kailangan ng katawan.

         Sinasabing ang diabetes ay nakukuha sa pamamagitan ng pagmamana, ang katawan ay nagiging allergic sa sarili nitong selula sa lapay, at nakukuha rin sa kapaligiran. Ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng diabetes ay madalas na pag-ihi, labis na pagkauhaw, madaling magutom dahil sa kulang ang nakukuhang enerhiya. Nariyan din ang pagkakaroon ng mababang timbang at madaling pagkayamot bunga na rin ng reaksyon ng katawan kaya’t medyo nagbabago ang ugali.

      Ang taong may diabetes ay maaari ring magkaroon ng komplikasyon gaya ng atake sa puso, stroke, problema sa mata, pananakit ng tyan o binti, at iba pa. Ito ay dahil sa pagkasira ng mga daluyan ng dugo at nerves. Wala kasing kakayahan ang katawan na labanan ang impeksyon. Pero tandaang hindi lahat ng may diabetes ay nagkaroon ng ganitong mga problema.

     Para mabawasan ang komplikasyon, dapat panatilihing normal ang antas ng dami ng asukal sa dugo. Dapat din ay gawing nasa tamang antas ang timbang at presyon ng dugo. Kung naninigarilyo ay itigil na para makaiwas sa panganib. Mag-ehersisyo rin ng regular, magsagawa ng tamang diyeta at sundin ang payo ng doktor sa pag-inom ng mga gamot na dapat inumin.

    Mahalagang mamuhay pa rin ng normal sa kabila ng pagkakaroon ng diabetes. Isa sa magandang halimbawa ay ang sikat na singer na si Gary Valenciano. Hindi naging hadlang ang kanyang diabetes para maging total performer siya sa bawat konsyerto kaya nabansagan siyang “Mr. Pure Energy.”




Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...