Kay gandang pagmasdan ng mga naglalakihan at nagtataasang billboard na nakapuwesto kung saan. Inggit na inggit si Toto sa mga modelong nakalagay sa billboard. Bukod sa magaganda at ang guguwapo ay sosyal na sosyal pa ang dating. Takaw-pansin talaga sa mga nagdaraang mga motorista lalo na kapag ang modelo ay nakabini. Hindi kataka-taka dahil natural na yata sa tao ang pagiging malakas ang libido na binubuhay ng mga larawang kanilang nakikita. Kaya sinasabing nakakawala ng konsentrasyon ng pagmamaneho ang mga ganitong uri ng billboard. Napupunta kasi rito ang pokus na maaari pang mauwi sa aksidente. Pero wala namang naisagawang pag-aaral kung totoo nga ang teoryang ito ng iilan. Ang 'di maaalis na katotohanan ay delikado ang mga naglalakihang billboard kapag mayroong bagyo. Tulad ng nangyari noong si bagyong Milenyo, isang lalake ang namatatay dahil nadaganan ng nilipad ng billboard. Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay nagsagawa ng kampanya ang gobyerno na baklasin na lang ang mga billboard. Pero sandali lang 'yun nang 'di na pinag-uusapan ay wala ring nangyari. Alam mo naman ang Pinoy may ugalingg ningas kugon. Umaaksyyon lang kapag mayroong nangyayaring 'di maganda tapos 'di pa itinutuloy. Siyempre natuwa ang mga taga-ad agency dahil patuloy uli sila sa paglalagay ng mga naggagandahan at naglalakihang mga billboard.
Ano pa ba ang layunin ng mga billboard kundi ang magpapansin para mabenta ang prino-promote nilang produkto. Dati-rati hindi naman uso ang paglalagay ng billboard. Pero alam mo naman basta't nakikita ng tao ay puwedeng paskilan ng kung anu-ano. Sa dami ba namang mga tao na nagdaraan araw-araw sa mga kalsada ay imposibleng hindi nila ito mpansin. Maliban na lang kung bulag ito.Pati nga sasakayan ngayon ay drinodrowingan na ng mga palatastas. Hay, ang mundo nga naman ng komeryalismo napakakulay! Mas maganda siguro kung magkakaroon ng sticker na ilalagay sa noo para kahit saan ka magpunta ay pagtitinginan ka. Meron nga akong napanuod sas teelbisyon dati na may mga babaeng nakadikit na sticker ng kung anong produkto sa kanilang mga katawan. At take note ang sesekssi pa nila. Olala!
Matagal ng pangarap ni Toto na maging sikat 'yun bang malagay ang mukha niya sa billboard tulad ng idolo niyang artista na si Richard Gutierrez at Richard Gomez. Pero paano kaya 'yun mangyayari dahil wala namang may gustong kumuha sa kanya. Hindi naman pangit si Toto kung tutuusin may hitsura rin naman siya. Mas lamang nga lang ng ilang paligo ang mga nakikita nating modelo na nasa billboard. Pero kapag minake over si Toto ay tiyak na lilitaw ang kanyang pagiging artistahin. 'Di ba kaya ang ibang artista kaya gumanda o gumawapo dahil alaga sa make up ang kanilang mukha at ang kanilang kuttiss naman ay alagaa ni Dr. Chuvanes. Ilang beses na rin siyang nagtangkang maging modelo. Nakapag-audition na rin siya sa ilang mga malalaking produkto na kilala sa bansa. Pero minamalas yata siya dahil hindi siya makuha-kuha. Iniisip nga niya ano ba ang kulang ssa kanya? Appeal ba? Hindi naman siguro dahil noong nag-aaral pa siya ng haiskul ay maraming nagkakagusto sa kanya hindi lang mga babae kundi pati mga bading. Andun nga 'yung may babaeng nag-propose sa kanya ng pag-ibig. Pero hindi niya pinatulan dahil hindi naman siya chick boy na mapagsamantala. Boses ba? Hindi naman pangit ang boses ni Toto. Saka kailangan ba ang boses kapag nalagay ka sa billboard at mga magazine? Maliban na lang kung mapasabak ka sa palastas ng telebisyon. Kung tututusin marunong din namang umarte si Toto at minsan na rin itong nakadalo ng acting workshop art nakapag-teatro na rin. Hinahangaan nga siya ng kanyang mga kasamahan dahil sa galing niyang umarte. Pero hindi naman pinapangarap ni Toto na maging bida kahit character actor lang sa kanya ay ayos na. Basta ba magmarka lang siya sa isip ng tao masaya na siya run.
Mas masuwerte pa nga kay Toto 'yung iba na hindi sikat na artista at least sila mayroong regular na raket samantalang siya wala. Kailangang-kailangan pa naman niya ng pera dahil may sakit ang ina niya. Ulila na si Toto sa ama at mayroon lang siyang nakababatang kapatid na anim na taong gulang pa lamang. Kaya mahirap talaga ang sitwasyon ni Toto dahil siya lang ang inaasahan sa bahay. Kung anu-ano na nga lang trabaho ang pinapasukan niya para magkapera. Andun na maging janitor siya, maging taga-hugas ng pinggan, waiter at kung anu-ano pa. Kahit paano ay may prinsipyo pa rin sa buhay si Toto ayaw niyang mag-call boy para kumita ng madalian tutal lapitin nga naman siya ng mga bakla at matrona. Pero hindi ito pinapatos ni Toto.
Ano nga ba ang wala si Toto kung mayroon naman siyang maipagmamalaki? Wala siyang pera at kuneksyon, 'yan ang totoo. Pero magkakameron naman sana siya nito kung 'di niya lang tinaggihan ang offer sa kanya ng baklang talent manager na nangakong papasikatin siya basta papayag lang ito na makipag-live in sa kanya. Hindi kumbinsiodo si RToto sa proposal sa kanya ng baklang talent manager. Kahit ang kapalit pa nito ay pagkakawala sa kumunoy ng kahirapan. Ang katuwiran niya dignidad na nga lang ang mayroon siya ay wawalain pa niya? Saka iniisip ni Toto na gagamitin lang siya ng gagamitin nito. Kapag pinagsawaan na ay saka itatapon sa lusak na kaniyang pinanggalingan. Aware si Toto sa ganitong pangyayari dahil alam niyang maraming taong mapagsamantala na naglipana sa lipunang itto. Kaya ang resulta ito hirap pa rin si Toto dahil siniraan na siya ng talent manager na ito sa iba. Na kesyo napakayabang daw nito at ang akala mo na kung sino gayung wala pa namang napapatunayan. Pero ayos lang kay Toto dahil wala na siyang magagawa tungkol rito. Dahil ayaw nga naman niyang tumulad sa mga nababalitaang artista o modelo na kaya gumanda ang career ay dahil pumatol sa bading nilang manager.
May mga gabing 'di makatulog si Toto dala-dala niya sa kanyang isip ang 'di mamatay-matay na maging modelo. Lumilipas lang mga mga araw pero wala pa rin siyang nababanaag na magkakatotoo ang pangarap niyang ito. Okey lang sa kanya kahit maging modelo ng patis, suka, toyo o ng kahit sandok pa o toothpick! Basta matupad lang ang pangarap niyang maging modelo. Na isang araw siya naman ang titingalain ng lahat sa may kahabaan ng Edsa at sa kung saan-saang pang lugar na mayroong malalaking billboard. Buti pa nga ang iba kahit mukhang chicharong bulaklak ay nagiging modelo pero siya hindi. Napakatayog ba ng pangarap ni Toto at hindi niya maabot-abot ito? Ah, ewan nakakatulugan na lang niya ang pangangarap niyang ito at magigising muli sa umagang walang matanaw na pag-asa.Kailangan na naman niyang haraping muli ang katotohanan. Makikita niyang uubo-ubo na naman ang kanyang ina at kailangan na naman itong ibili ng gamot dahil naubos na ang gamot nito. Kailangan na naman niyang rumaket, kailangan na naman niyang magbakasali para maabot ang pangarap niyang tila suntok sa buwan.
Hanggang isang araw nagsawa na lang si Toto... Nagkakagulo ang mga tao mayroon daw lalakeng umakyat sa mataas na billboard sa may kahabaan ng Edsa. Hindi yata't si Toto 'yun halos abot kamay na niya ang pinakatuktok ng billboard nang paparating ang mga gustong sumaklolo sa kanya. Panay ang tawag sa kanya ng mga ito at pakiusap na bumababa na ito sa billboard dahil napakadelikado nga naman. Pero parang walang naririnig si Toto. Mistulang naging bingi na siya. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na hugong na hangin mantakin mo ba naman na 100 feet ang inakyat niyang billboard. Sa ibaba naman ay may nakahandang medical team at mayroon silang pansalo sakaling tumalon ito. Ilang beses na ba tayong nakabalita na mayroong mga taong umakyat sa mataas na billboard dahil mayroon daw humahabol sa kanya. Ang iba naman ay para manawagan dahil gusto na raw niyang umuwi sa probinsya pero wala siyang pamasahe. Mayroon ding trip lang at gusto lang sumikat at ang iba ay sadyang may saltik sa utak. Dito ba sa huling ito kabilang si Toto? Desperado na ba siyang sumikat? Kung oo natupad na ang pangarap niya dahil ibinabalita na siya sa mga programa sa radyo at telebisyon at kinabukasan ay maiususulat na rin siya sa mga diyaryo. O baka naman bumigay na ang utak ni Toto dahil walang nangyayari sa pangarap niya? Pero bago siya umalis sa bahay ay masayang-masaya pa ito at nakikipagbiruan pa sa kanyang nakababatang kapatid. Baka naman gusto lang gayahin ni Toto ang patalastas sa napanuod niyang commercial ng pambango ng labada. na tatalon daw siya sa billboard kapag nangyari ang 'di niya pinaniniwlaang magiging epekto ng produkto sa labada? Pero ang siste nang tumalon ay naka-parachute naman! Kung makikita lang ng iba nang malapitan si Toto ay napakaaliwalas ng mukha nito parang walang bakas ng anumang problema. Hindi siya tulad ng iba na ngingiti-ngiti sabay iiyak. Parang normal lang ang lahat para sa kanya. Patuloy pa ring nagkakagulo ang mga tao sa baba. Pilit pa rin siyang hinihimok ng mga rescuer na bumaba na. Pero ni isang salita walang namutawi sa kanya. Nakaupo lang siya sa pinakataas ng billboard. Pinagmamasdan-masdan pa niya ang ibaba at 'di niya mabilang ang dami ng mga taong nakikiusyuso. Tensyonado ang lahat para silang nanunuod ng true to life hostage drama. Makapigil hininga ang bawat eksena. Panay sigawan na lang ang naririnig ni Toto. Ipinikit niya ang kanyang mga mata sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa bakal ng billboard. Para siyang ibon na nalagasan ng pakpak habang pabagsak sa lupa...