Skip to main content

Ang Ongpin St.

   Ang Binondo ay pinakapusod ng komersyo ng mga kapatid nating Intsik. Sadyang masiglang-masigla rito ang kalakalan dahil samu’t saring negosyo ang naglipana rito. Maaninag dito ang kultura ng mga Tsinoy mula sa pagkain, kasuotan, mga abubot at kung anu-ano pa. Ang Ongpin ang pinakasikat na kalye rito na puntahan ng mga tao sa Ongpin.

   Ngunit hindi lamang mga puro o may dugong Intsik ang dumadayo rito kundi kahit sino. Mapa-Pinoy man o banyagang nais maranasan ang kulturang Tsino. Palibhasa ay itinuturing ito bilang magandang destinasyon sa pusod ng Maynila. Bagama’t masikip ang kalye at usad-pagong ang mga sasakyan dahil na rin sa trapik.

   Nagkalat ang samu’t saring restawran na naghahaain ng masasarap na pagkain na akma sa kung anumang budget ang mayroon ka. Sa mga restawran dito mo maaaring maranasan kung paano gumamit ng chopstick kung iyong nanaision. Isa sa pinakakilalang kainan na matatagpuan sa Ongpin ay ang President’s restawran. Mabenta ang kanilang hakao (shrimp dumplings), asadao siopao at iba pa. Bukod sa mga restawran, siyempre naglipana rin ang mga tindahan na nagbebenta ng masasarap na hopia, siopao, siomai at iba pa na sadyang natatangi ang timpla dahil orihinal ang sangkap na galing pang Tsina.

    Kilala rin ang Ongpin dahil marami ang nagtitinda rito ng mga ginto na may matataas ang karat o yaong purong ginto. Marami sa mga bumibili rito ay ang mga mangingibig na nais alayan ang kanilang minamahal ng espesyal na alahas. Siyempre, mawawala ba naman ang mga herbal medicine rito? Pati na rin ang samu’t saring estatuwa na sumisimbolo sa kaunlaran katulad ng dragon. Diyata’t hindi lang sikmura ang mabubusog kundi pati na rin ang mga mata sa katitingin sa magagarbong estatwa.

   Pagsapit naman ng Linggo ng gabi ay nagiging napakasayang lugar ng Ongpin dahil parang may pista. Paroo’t parito sa mga kalsada ang mga tao. Nagkakaroon din ng pagpapaputok kaya’t tuwang-tuwa ang mga tao na panoorin ang nagkikislapang mga ilaw o fireworks. Mistula tuloy na parang laging bagong taon sa lugar na ito tuwing araw ng Linggo.

   Ayon sa kasaysayan ang Ongpin ay ipinangalan kay Don Roman Ongpin, isang negosyanteng Intsik na naging  masugid na tagasuporta ng mga Katipunero pagdating sa pinansiyal noong taong 1896. May istorya pa nga na nang masunog ang kanyang bahay ay ibinigay niya ang kanyang insurance proceeds kay Gen. Emilio Aguinaldo. Kahit nang sakupin tayo ng mga Amerikano ay hindi tumigil si Don Ongpin sa pagtulong sa rebolusyon na naging sanhi ng kanyang pagkakulong. Dahil sa kanyang kabayanihan ay pinagawan siya ng estatwa sa tabi ng Binondo Church.

   O, paano, tara pasyal na tayo sa Ongpin!

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr