Marami ang nagulat nang biglang halikan ni Vice
Ganda si Karylle sa kanilang Kapamilya Day na isinagawa sa Araneta noong Sabado
(Sept. 26). Habang nagpi-perform kasi sila ng “I Kiss a Girl” na pinasikat ni
Katty Perry ay bigla na lang hinalikan sa labi ni Vice si Karylle.
Ayon
kay Vice, pagkatapos ng kanilang performance ay sabay silang sumuka ni
Karylle sa dressing room. Dumating pa raw si Yael Yuson, asawa ni Karylle at
biniro ito ni Vice na dalhin sila ospital. Pareho raw kasing sumama ang
kanilang pakiramdam na parang na-food poison sila. Misttula kasing naging
lalaki si Karylle samantalang si Vice ay naging babae. Sinabi niya na nagawa
niyang halikan si Karylle para mapasaya ang kanilang fans.
Pero
imbes na makapagpasaya ng mga tao ay umani ng negatibong reaksyon si Vice mula
sa mga netizens, mapa-fans man ng Dos at Siyete. Ayon sa kanila, hindi maganda
ang ginawa ni Vice dahil may asawang tao si Karylle. Para na rin daw binastos
ni Vice si Yael. Hindi naman sila love team. Isa pa, maraming bata ang nanunuod
ng Showtime.
Kung
sina Vice at Karylle ay nasuka sa ginawa nilang halikan, marami rin sa mga
netizen ang nagsabi na nandiri sila sa kanilang nakita. Ipinagpalagay tuloy ng
iba na isa itong desperadong hakbang ni Vice para makahabol sa rating ng Eat
Bulaga dahil sa pamamayagpag ng Aldub sa telebisyon.
(Source: abscbn.com)
(Source: abscbn.com)