Skip to main content

Tips Kung Paano Haharapin ang Costumer Complaints


-Kapag nagreklamo ang kostumer ay huwag personalin. Hindi lang sila masaya sa produkto o sa kumpanya pero hindi sa iyo. Kaya’t imbes na mainis ay humingi ng paumanhin at makipag-kompromiso sa kanila. Halimbawang gusto nilang palitan ang produkto nilang nabili ay palitan na lang ito lalo na’t wala pa namang sira at pasok pa sa araw na puwedeng isoli kapag nagkaroon ng aberya. 

 -Isiping mabuti ka sa iyong trabaho kaya nga’t mayroon kang skill at kaya nga’t nariyan ka at nagtratrabaho.  Ibig sabihin huwag mong hahayaan ang mga kostumer na iparamdam nila sa iyo na wala kang silbi. Kung sakali mang may mapansin kang mali sa iyong trabaho at diskarte ay itama agad ito.

 -Isulat ang  mga reklamo at concern ng mga kostumer. Ipakita sa kostumer na ikaw ay nakikinig kaya nga’t itinatala mo ang kanilang mga problema. Halimbawa namang sa telepono nila ito ipinaparating ay isulat sa papel ang lahat ng detalye ng kanilang problema at ipaliwanag kung paano ito mabibigyan ng solusyon. Kung pare-pareho ang kanilang mga reklamo ay baka nga may mali sa sistema o polisiya ng  kumpanya.  

 -Kapag masyado ng komplikado ang sitwasyon ay huwag mag-aatubiling tawagin na ang iyong supervisor o manager para makasama mo silang makipag-usap sa kostumer. Ipinapakita mo lang sa problemadong kostumer na inaasikaso n’yo talaga siya dahil maraming nag-a-assist sa kanya. Dahil dito ay mapapanatag ang kaniyang loob at makakaasa ng aksyon mula sa inyo.

 -Ugaliin lang na maging kalmado kahit nagtataas na ng boses ang kostumer o kaya’y kapag nagiging hysterical na ito. Relaks lang at huminga ng malalim. Mag-isip lagi ng positibo at huwag hahayaang ma-destruct ng nagagalit na kostumer para maharap ang ganitong kabigat na situwasyon. Kapag nakakitaan ka ng inis ay lalo lang lalala ang problema.

 -Suriing mabuti ang reklamo  ng kostumer pagkatapos nitong umalis. Makabubuting humanap ng mapagsasabihan para maitaboy ang mga negatibong pag-iisip at emosyon na mayroon ka nang sa gayun ay mawala ang tensyong nararamdaman.

  -Kilalalanin at tanggapin na kailangan mong makaharap ang mga kostumer na hindi magaganda ang araw. Maaaring kaya sila madaling mainis ay dala na rin ng problema nila sa bahay at sa iyo lang nila naibaling. Kaya huwag itong pepersonalin dahil ikaw din ang mahihirapan.

 -Laging isaisip na kapag walang kostumer ay wala ka ring trabaho. Sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin ang isang negosyo. Kahit ba sabihing may mga kostumer talaga na demanding at mareklamo. Kaya dapat lang na igalang ang bawat kostumer maging ano man ang ugali mayroon sila.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...