Skip to main content

Print Book Versus E-book


Kumusta na ang industriya ng libro sa kasalukuyan? Totoo bang unti-unti na itong namamatay dahil sa pagsulpot ng internet? May puwang pa ba ang industriya ng libro sa tinatawag nating computer age? Kaunting pindot lang ay magagawa mo nang magsaliksik para makuha ang mga impormasyong naisin mo. Hindi katulad sa bookstore na mahihirapan ka pang maghanap ng paksa na nais mong basahin.


Ngunit kung papanong ang radyo ay hindi naman nawala sa pagsulpot ng telebisyon ganun din naman pagdating sa industriya ng libro. Kahit pa mayroon ng tinatawag na e-book o mga elektronikong libro na nakalathala sa internet. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa tindahan ng libro kaya’t ‘di ka na maaabala pa. Ang gagawin mo na lang ay ida-download na lang ito sa computer. Babayaran mo na lang sa pamamagitan ng Paypal. Marami ring nagkalat na mga libreng e-books sa internet.


Kahit sino ay puwedeng gumawa ng sarili niyang e-book. Mayroong mga libreng site para rito gaya ng Lulu.com, kung saan ay ikaw mismo ang magprespresyo kung magkano mo ipinagbibili ang iyong e-book. Kumpara sa print book na napakatagal ng proseso bago ka makapaglathala ng libro. Ang kaibahan nga lang, ang e-books ay hindi nahusgahan ng publisher at hindi napasadahan ng mga professional editor. Kumbaga, para kang nagpapatakbo ng one-man-band. Ikaw na ang kumakanta ay ikaw pa ang tumugtog ng mga instrumento.


Pero hindi maaaring sabihin na naigupo na ang book publishing dahil sa internet. Nakatulong pa nga ito para i-romote ang kanilang mga libro. Sa personal kong pananaw, mas mainam pa rin ang print book dahil nahahawakan mo ito at naadala kung saan. ‘Di tulad ng e-book na kailangan mo pang komonsumo ng kuryente para lang makapagbasa. Paano pa kung biglang nag-brownout? Kapag matagal pang nakatutok sa computer ay siguradong sasakit pa ang iyong mga mata. Isa pa, marami pa ring walang access sa internet sa kasalukuyan. Kahit pa ang mauunlad na bansa na karaniwan na lang sa kanilang tahanan ang pagkakaroon ng computer ay sigurado akong buhay pa rin ang mga book publishing. Dito nga sa atin ay patuloy pang nagdadagdag ng branches ang malalaking tindahan ng libro sa bansa. Patunay lang ito na buhay na buhay pa rin ang book industry.


Kung tutuusin ay wala namang problema kahit saan pang anyo nakalathala ang libro. Dahil ang importante ay mismong nilalaman ng libro. Hindi rin maikakaila na maging ang mga sikat na author gaya ni Stephen King ay gumagawa rin ng e-book. Ang higit pang mahalaga ay marami pa ring mahilig magbasa. Sana nga lang ay isa ka samga taong nagmamahal sa libro dahil marami kang matutunan sa pagbabasa.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...