Skip to main content

Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Negosyo


           Hindi biro ang pagpapatakbo ng isang negosyo dahil kaakibat nito ang ibayong disiplina at determinasyon. Minsan kahit masipag ang isang tao ay ‘di pa rin nagtatagumpay. Ang pagnenegosyo kasi ay maituturing din na sugal.  Minsan panalo at minsan ay talo. Pero meron talagang dahilan kung bakit bumabagsak ang isang negosyo? Kaya’t mahalagang ito ay ating malaman para ito ay maiwasan.

             Kapag ‘di sapat ang kaalaman o kulang sa karanasan sa negosyong pinasukan ay maaaring bumagsak agad ito. Kaya’t ipinapayo ng mga eksperto na pag-aralang mabuti ang isang negosyo bago ito pasukin. Makabubuting magtanung-tanong sa mga taong ang naunang nagnegosyo ng katulad sa iyo. Para magkaroon ka ng ideya kung ano’ng klaseng pamamahala ang gagawin mo sa iyong negosyo. Sa umpisa, magkakaroon muna ng trial and error pero pasasaan ba at matututunan mo rin ang lahat.

          Ang kakulangan sa capital ay isa ring dahilan ng pagbagsak ng negosyo dahil paano mo nga naman mapapatakbo ito ng maayos kung kulang ka sa pondo? Kaya bago umpisahan ang negosyo ay siguraduhing sapat ang iyong puhunan at hangga’t maaari ay may pasobra pa. Paraa ‘di kapusin ay mag-umpisa sa maliitan saka ito unti-unting palaguin. Maghinay-hinay lang din sa pangungutang lalo’t wala pa namang inaasahang pambayad dahil baka magipit lang lalo.

        Kapag hindi rin maganda ang lokasyon ng puwesto ay malabong kumita. Maliban na lang kung marami nang nakakakilala sa iyo at sadyang dinadayo ka kahit saan ka pa pumuwesto. Pero kung hindi, mainam talaga kung sa matataong lugar pumuwesto para madaling puntahan.

         Ang sobrang pagbili ng mga produktong pambenta ay nakasasama rin. Dahil kung sobra-sobra ang stocks tapos hindi naman nabibili ay masasayang lang ito. Pampasikip pa ng puwesto. Kung ano lang ang mabenta ‘yun lang ang paramihin ng stocks dahil mabilis namang gumalaw. Tapos ‘yung ‘di gaanong mabenta limitahan lang ang pagkuha.

         Hindi rin maganda ang paggamit ng business fund para sa ibang bagay. Hagga’t maaari ay huwag itong gagalawin, gamitin lang para sa negosyo. Kahit nga ang kinikita mula sa negosyo ay ‘di rin dapat ginagastos ng basta-basta. Ibig sabihin, maging resonable lang sa paghawak ng salapi.

    Dahil sa kumpetisyon ay maraming bumabagsak na negosyo. Pero natural lang ang ganito dahil nabubuhay tayo sa mundo na punung-puno ng kumpetisyon. Para makaigpaw ay dapat na pagandahin ang iniaalok na produkto o serbisyo. Pero bagama’t maganda ay maaaring maging iba ang epekto nito. Dahil sa hindi alam kung paano hahawakan ay posibleng maging dahilan ito ng biglaang pagbagsak. Hindi sa pagbibilang ng sisiw bago mapisa ang itlog, dapat na rin nating isipin kung ano ang ating gagawin kung sakaling mangyari ang ganito.

    Ang maling pagpipresyo sa produkto ay hindi nakabubuti sa negosyo. Dahil kung sobrang mahal ay kaunti lang ang bibili ng produkto. Kung sobrang baba naman ay malulugi ka. Kumbaga, parang balik puhunan lang ang nangyayari. Lumagay lang sa tamang presyo para ‘di malugi.

    Kapag nagkakamali rin sa pagpili ng gagawing kasosyo o tauhan ay maaaring bumagsak ang negosyo. Imbes na makatulong sila sa iyo ay sila pa ang hihila sa iyo pababa. Kaya kung kukuha ng tao ay siguraduhing tama ang napili mo. Dapat ay katulad mo rin silang may vision at goal para hindi magkasalungat ang inyong direksyon.


    Kahit maraming panganib na kahaharapin sa negosyo,hindi dapat na matakot. Dahil ang matatagumpay na negosyante ay walang takot na humaharap sa mga pagsubok. Hindi nila maaabot ang kinalalagyan nila ngayon kung hindi sila sumuong sa panganib. 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...