Skip to main content

Mentally fit ka ba?


Maraming tao ang nangangalaga ng kanilang kalusugan dahil gusto nilang maging physically fit. Pero dapat din nating pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng malusog na pag-iisip. Dahil ang dalawang ito ay magkaugnay. Pero ano nga ba ang tinatawag na mental fitness? Ito ay hindi tumutukoy sa talino ng isang tao bagkus ito ay patungkol sa kung paano natin hawakan an gating pag-iisip at kung paano tayo humarap sa mabibigat na sitwasyon.

Malusog ang iyong pag-iisip kung hindi ka nagpapa-apekto nang husto sa iyong mga problema. May mga tao kasi na imbes na gumawa ng paraan para ayusin ang problema ay nagpapakalunod na lang dito. Kaya ang resulta ay ‘di na nakakaahon pa at ang masaklap ang iba ay humahantong pa sa pagkabaliw at pagpapatiwakal. Kaya gaano man kabigat ang problema ay ugaliing maging positibo sa pagharap dito. Ang mga mentally fit kasi ay itinuturing nila ang problema bilang isang bentahe para lumabas ang kanilang potensiyal.

Masasabing namang hindi mentally fit ang isang tao kung siya ay masyadong malulungkutin. Wala namang masamang malungkot basta’t huwag lang mamuhay sa kalungkutan . Dahil tiyak na magiging puro negatibo na lang ang pagtingin mo sa mundo. Para huwag maging malulungkutin ay iwasang maging loner. Kung makikisalamuha sa iba ay doon sa mga taong may positibong pag-iisip at masisiyahin. Para huwag maging malulungkutin ay iwasan ang pag-iisip ng mga bagay na magpapalungkot lang sa iyo. Yaong masasaya lang ang isipin para sumigla lagi ang pakiramdam.
Hindi ka rin mentally fit kung ikaw ‘yung tipo ng tao na masyadong maramdamin o sensitibo. Na kapag nasabihan lang ng kaunti ay dinadamdam agad. O ‘di kaya’y kapag biniro ay iniinda agad kahit alam namang biro lang ito. Para huwag maging sensitibo ay ay huwag magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Kung napagsabihan ng iba ay isipin na baka nga may mali ka at itama agad ito. Kapag binibiro naman ay matuto ring makipagbiruan basta’t huwag alng mga birong below the belt na.

Narito pa ang ilang bagay na maaaring makatulong para maging mentally fit:
Kapag may problema ka at ‘yung tipong hindi mo na kaya ay huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iba. Ika nga, gaano man kabigat ang pinapasan ay gumagaan kung may kasama kang magbubuhat.
Kapag pakiramdam mo nang stress na stress ka na ay magrelaks lang para makapagpahinga ang utak. Mahalaga ang ganito para maikondisyon ang katawan at makapag-ipon ng enerhiya. Dahil kung pupuwersahin ang sarili ay maha-harrass ka lang lalo.

Anuman ang iyong nararamdaman ay huwag itong pipigilan maging iyan man ay pagkagaslit maaari mo itong ilabas sa maayos na paraan at tamang pagkakataon at lugar. Dahil kung pipigilin mo ang galit ay maaari mo itong maibunton sa iba. Para mabawasan ang bigat ng kalooban ay ibahagi ito sa taong pinagkakatiwalan. Kung sosolohin lang ay makukulob ito sa iyong loob at masama ang magiging epekto kapag biglang sumabog.

Para magtaglay ng positibong pag-iisip ay gandahan din ang pananaw sa buhay at isiping napakasarap pa ring mabuhay sa gitna ng mga problemang kinakaharap.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...